top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Gustong pamanahan ang apo na illegitimate child ng anak

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2020
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 8, 2020



Dear Chief Acosta,


May apo ako na anak sa pagkabinata ng aking anak. Gusto ko sanang makapagmana siya sa akin dahil inabandona na siya ng kanyang ina at dating kinakasama ng aking anak. Maaari ko ba siyang pamanahan kung gagawa ako ng will? – Loreta


Dear Loreta,


Ang sagot sa inyong katanungan ay opo, maaari po. Nakasaad sa Article 992 ng New Civil Code of the Philippines ang sumusunod:


“An illegitimate child has no right to inherit ab intestato from the legitimate children and relatives of his father or mother; nor shall such children or relative inherit in the same manner from the illegitimate child.”

Alinsunod sa nabanggit na probisyon, ipinagbabawal lamang ang pagmamana ng anak sa pagkabinata o pagkadalaga o illegitimate child mula sa lehitimong mga anak at iba pang kamag-anak ng kanyang mga magulang kung ito ay sa pamamagitan ng intestate succession. Tulad ng inyong nasabi, kung kayo ay gagawa ng huling habilin o last will and testament, ang pagpapamana ay mapasasailalim na ng testate succession at dahil doon ay maaari na ninyong pamanahan ang inyong apo sa pamamagitan ng nabanggit na huling habilin.


Ngunit aming ipinaaalala na ang pagpapamang ito ay hindi dapat makaapekto sa bahagi na isinasantabi ng batas o legitime para sa inyong compulsory heirs.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page