Gustong mag-alaga ng batang-kalye nang hindi inaampon
- BULGAR
- Oct 1, 2021
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 1, 2021
Dear Chief Acosta,
Nais kong malaman kung posibleng legal na mapunta sa aking pangangalaga ang batang kalye o street child na palagi kong nakikita sa kanto na malapit sa aking tahanan kahit hindi ko siya ampunin. – Yohan
Dear Yohan,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Rule 5 (h) ng Implementing Rules and Regulation ng Republic Act No. 10165, o mas kilala sa tawag na Foster Care Act of 2012, kung saan nakasaad na:
“RULE 5. Who May Be Placed Under Foster Care. – The following may be placed under Foster Care:
x x (h) A child who is under socially difficult circumstances such as, but not limited to, a street child, a child in armed conflict or a victim of child labor or trafficking;”
Sang-ayon sa nabanggit, malinaw na maaaring maisailalim sa foster care ang batang kalye o street child. Ibig sabihin, maaaring legal na mapunta sa inyong pangangalaga ang nabanggit na bata kahit hindi ninyo siya ampunin.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments