Gumawa ng SALN ni VP Sara, tanga — Tulfo

ni Mylene Alfonso @News | November 11, 2026

Photo: Senator Judge Raffy Tulfo - Senate PH
Pinuna ni Senator-judge Raffy Tulfo ang taong naghanda ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte.
"Kung sinuman 'yong nag-prepare ng SALN ni VP Sara, I'm not gonna use a word na medyo masakit, [ay] tanga. He or she could have consulted the VP na 'ma'am, bawal ito, hindi natin puwedeng ilagay 'to sa SALN mo.' Marami siyang mga abogado... that could have advised her kung ano 'yung dapat ilagay sa SALN at hindi," ani Tulfo.
Binigyang-diin naman ni Atty. Paolo Panelo, spokesperson ni Duterte na mas mainam na magharap ang kampo ng Bise Presidente ng mga third-party witness na may dokumentong magpapatunay sa kanilang testimonya, sa halip na umasa lamang sa pahayag ng mismong naghanda ng SALN ng Bise Presidente.
Ayon kay Panelo, maaaring maging self-serving ang testimonya ng naghanda ng SALN kung hindi ito susuportahan ng ebidensya.
Aniya, mas mahalagang magmula sa mga independent witness ang testimonya at nakabatay ito sa aktuwal na mga dokumento.
Nilinaw din ni Panelo na hindi siya bahagi ng defense team at ang desisyon kung tetestigo si Duterte ay gagawin ng kampo nito sa tamang panahon, matapos maiharap ang mga ebidensya.





Comments