top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe

Walang lusot — Angara... Babala sa titser na nagbenta ng laptop

Writer: BULGAR
BULGAR
19 minutes ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | November 11, 2026



Walang lusot — Angara... Babala sa titser na nagbenta ng laptop 

Photo: File / Sec. Sonny Angara - DepEd Philippines



Tiniyak ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na may mekanismo ang kagawaran upang maiwasan ang pagbebenta ng mga gurong makatatanggap ng MacBook Neo laptops na ipinamamahagi ng pamahalaan.


Ayon kay Angara, maituturing na government property ang mga laptop kaya kailangang bayaran ng sinumang guro na magbebenta nito. 


“Opo, dahil government property ho iyan, kapag binenta ho nila eh di babayaran ho nila iyan,” pahayag ni Angara sa briefing sa Palasyo.


Binanggit din ng kalihim na may itinalagang IT officer sa bawat paaralan na nagsisilbing custodian o tagapangalaga ng mga IT equipment, kabilang ang mga ipinamahaging laptop.


“Well, each school has an IT officer, so, siya iyong parang custodian noong IT equipment sa school,” paliwanag ni Angara.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page