top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | February 4, 2026



Sen. Raffy Tulfo at Tourism Secretary Christina Frasco - Senate of the Philippines

File Photo: Senate of the Philippines



Ginisa ni Senador Raffy Tulfo si Tourism Secretary Christina Frasco matapos niyang ipakita ang mga tourism promotion materials na may mukha ng kalihim.


Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on Tourism, sinabihan ni Tulfo si Frasco na hindi makatutulong ang pagiging tila vlogger ng kalihim sa pag-unlad ng turismo ng Pilipinas.


“Isa pa, sa nakikita ko, I'm very sorry, Secretary Frasco. Parang lumilitaw na ikaw ay nagiging vlogger na it will not sell 'pag doon sa mga marketing materials natin, puro mukha mong nakalagay doon. It shouldn't happen,” wika ni Tulfo.


Ipinakita rin ni Tulfo ang magazine sa Japan na may mukha ni Frasco at mga groundbreaking ceremony sa halip na umano’y mga tanawin sa bansa.


“Halimbawa meron tayong, meron 'tong sa Japan, Japan ba ito na magazine. I think it's a free magazine. Pagkakataon na sana natin na para sumikat tayo sa Japan. Sa halip, ang nakalagay dito, ikaw, ikaw ng ikaw, and then, 'yung mga groundbreaking, pinapakita natin sa halip na dapat, 'yung underground river, 8 wonders of the world, Tabon cave... ang pinakita doon, kayo po at saka 'yung mga groundbreaking ceremony, which will not sell,” punto niya.


“If we want to sell, ipakita po sana natin ‘yung mga tanawin o ‘yung mga reasons why tourists will visit the country,” diin ni Tulfo.


Samantala, dumepensa naman si Frasco at iginiit na ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho para ma-promote ang mga tourist destinations sa Pilipinas.

“I did not pay for that magazine, no government funds were used for that magazine, and my consent was never obtained in the use of my image for that magazine,” ayon kay Frasco.

Wala rin umano siyang balak tumakbo para sa 2028 national elections.


 
 

ni Chit Luna @News | Nov. 29, 2024




Nanawagan si Senador Raffy Tulfo ng imbestigasyon sa iregular na pagbebenta ng vape products sa Lazada, Shopee, Tiktok at iba pang social media platforms at online market places, gayundin ang paglaganap ng mga pekeng produkto sa Internet.


Inihain ni Tulfo ang Resolution No. 1232 noong Nob. 13, 2024 para imbestigahan ng Senado ang pagbebenta ng mga iligal na vape at mga pekeng produkto sa social media at e-marketplaces na tahasang lumalabag sa Republic Act 11967 o ang Internet Transactions Act of 2023.


Ang RA 11967 ay isang bagong batas na naglalayong protektahan ang mga mamimili at nagbebenta sa pamamagitan ng pagtatakda ng malinaw na tuntunin para sa mga online na transaksyon.


Kabilang dito ang pagbebenta, pamamahagi at pag-advertise ng mga produkto at serbisyo. Ito ay nagtatakda ng epektibong regulasyon sa e-commerce para protektahan ang karapatan at privacy ng mga consumer, i-secure ang mga transaksyon sa internet, itaguyod ang intelektwal na ari-arian, tiyakin ang pamantayan ng mga produkto at siguraduhin ang kaligtasan nila.


Inilabas naman ang Department of Trade (DTI) ng Administrative Order No. 24-03, Series of 2024, noong Hulyo 16, 2024, na sumususpindi sa online na pagbebenta, pamamahagi at pag-advertise ng mga produkto at device ng vape, maliban kung sumunod ang nagbebenta sa pag-verify sa edad ng mga bumibili.


Sinabi ni Tulfo na sa kabila ng administrative order, patuloy na naibebenta ang vape products sa pamamagitan ng e-commerce platforms gaya ng Lazada at Shopee sa kabataan.


Habang ang ilang nagbebenta ay may verification process, ito ay madaling naiiwasan, at ang mga produkto ay madaling ma-access kahit ng mga menor de edad, sabi niya.


Binanggit ni Tulfo ang online platform na Tiktok kung saan wala aniyang verification feature na naka-install sa iba't ibang sellers' account. Ang ilan ay nilalampasan ang verification process sa pamamagitan ng pag-post ng instruction sa pamamagitan ng private message. Aniya, ginagawa nitong walang silbi at walang saysay ang direktiba ng DTI.


Bukod sa hindi regular na pagbebenta ng mga vape, ilang mga online na nagbebenta ay aktibong lumalabag sa mga alituntunin at patakaran ng komunidad.


Sinabi niya na ang mga produktong ito ay madaling ma-access ng mga bata o indibidwal na wala pang 18 taong gulang dahil sa kakulangan ng sapat na mga disclaimer at maling mga label.

Bukod sa mga regulated items na ibinebenta na lumalabag sa DTI regulations at online platform community guidelines, ang pagbebenta ng peke, copycat o substandard na mga produkto ay patuloy na lumalaganap sa mga online selling platforms, ayon kay Tulfo.


Sinabi ni Tulfo na ang Pilipinas ay binansagan bilang sentro ng Asia sa online shopping scam at ang ilegal na aktibidad lalo na sa kapaskuhan kung saan sinasamantala ng mga scammer.


Napansin din niya ang pagbebenta ng mga viral na produkto tulad ng "Labubu" doll, kung saan nag-aalok ang mga nagbebenta ng parehong orihinal at knock-off na bersyon sa presyo na nakakagulat.


Aniya, ang pagbebenta ng mga produkto ito ay pinalalakas ng mali at mapanlinlang na advertising, na tahasang nilalabag ang mga probisyon ng Republic Act 7394 o Consumer Act of the Philippines.


Sinabi ni Tulfo na ang gobyerno, sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang kaukulang ahensya, ay may pananagutan na protektahan ang mga mamimili mula sa mga mapanlinlang na gawain at tiyakin na lahat ng produktong ibinebenta online ay sumusunod sa batas at regulasyon.


Pinaigting ng Department of Trade and Industry at Bureau of Internal Revenue ang kanilang kampanya laban sa pagbebenta ng substandard at hindi rehistradong vape products. Sinabi ng BIR na mahigit 400 na nagbebenta ng vape products ay hindi rehistrado o nagtataglay ng revenue stamps.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 6, 2023




Isinusulong ni Senador Raffy Tulfo ang panukalang ‘no collection policy’ sa mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan.


Sa paghahain ng Senate Bill No. 2420, iginiit ni Tulfo na ang mga nag-aaral sa pampublikong paaralan ay mula sa mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa at maaaring panghinaan lang sila ng loob na ituloy ang kanilang edukasyon kapag nagpataw pa ng karagdagang bayarin para sa kanila.


Sa ilalim ng SB No. 2420, hindi maaaring kumolekta ng bayad mula sa mga mag-aaral na nag-enroll sa pre-school hanggang Grade IV, sa enrollment period at buong school year.


Para sa mga lampas Grade IV na, walang anumang uri ng koleksyon ang dapat gawin sa panahon ng enrollment at unang buwan ng mga klase. Simula sa ikalawang buwan, ang mga kontribusyon para sa ilang membership lamang ang maaaring kolektahin, ngunit boluntaryo lamang at hindi dapat hilingin. Kabilang dito ang mga boy/girl scouts at red cross membership.


Ang panukalang batas ni Tulfo ay umaayon sa pangako ng bansa sa pagkamit ng Education For All (EFA) Plan 2015 at ang Millennium Development Goals (MDGs), partikular na tungkol sa partisipasyon ng elementarya.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page