top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe

PBBM, 'wag daw ipahiya sa ASEAN Summit... Claire sa mga raliyista: Shut up!

Writer: BULGAR
BULGAR
18 minutes ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | November 11, 2026



Atty. Claire Castro - PCO

Photo: Atty. Claire Castro - PCO



Hinikayat ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang mga grupong magsasagawa ng rally at tigil-pasada na iwasang itapat ang kanilang mga aktibidad sa pagdating ng mga delegado at bisita para sa ASEAN Summit.


Ayon kay Castro, handa ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga sektor na maaapektuhan ng mga aktibidad.


“Kung anuman iyong maaapektuhan, kung may kinakailangan po na transportasyon na maaapektuhan noong gagawing pagra-rally, ito po ay tutugunan ng ating gobyerno,” ani Castro sa Palace briefing.


Dagdag pa niya, marami pang pagkakataon upang maipahayag ang mga hinaing sa pamahalaan.


“Ang hiling lang naman, kayo ay may panahon, marami kayong panahon kung anong gusto ninyong sabihin sa gobyerno mas maganda po sana kung hindi itapat ito sa pagdating ng ating mga bisita. Ipakita natin ang tunay na kagandahang ugali ng mga Pilipino,” pagtatapos ni Castro.


Samantala, personal na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang final walkthrough sa Philippine International Convention Center (PICC), kabilang ang Media Hall, at sa International Media Center (IMC) sa World Trade Center (WTC), upang matiyak na handa ang mga pasilidad sa pagdating ng mga lider mula sa 11 ASEAN member states at 9 dialogue partner countries, kasama ang humigit-kumulang 5,000 media delegates mula sa iba't ibang panig ng mundo.


Sinuri rin ng Pangulo ang mga paghahanda para sa iba't ibang meetings at official activities upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng mga nakatakdang aktibidad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page