Human, sex trafficking, conspiracy at bulk cash smuggling... US extradition vs. Quiboloy, nasa Makati Court na

by BRT @News | November 11, 2026

Photo: File / Apollo Quiboloy - Senate of the Philippines
Inahain na sa Makati City Regional Trial Court (RTC) ang kahilingan ng Estados Unidos na ma-extradite si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Kinumpirma ng DOJ na pormal na inihain ang extradition request noong Lunes, Nobyembre 9, bilang bahagi ng legal na proseso upang madala si Quiboloy sa Amerika at maharap sa mga kasong isinampa laban sa kanya.
Kabilang sa mga kasong kinakaharap ni Quiboloy sa Estados Unidos ang international human trafficking, sex trafficking, conspiracy at bulk cash smuggling.
Dadaan sa pagdinig at pagsusuri ng korte ang kahilingan bago mapagpasyahan kung maaari siyang i-extradite sa Estados Unidos.





Comments