Gumagamit ng ilegal na droga, maaaring tanggalin sa trabaho
- BULGAR
- Jun 23
- 5 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 23, 2025

Dear Chief Acosta,
Nakita kong gumagamit ng ilegal na droga ang aking katrabaho. Maaari ba siyang matanggal sa trabaho dahil dito? — Rain
Dear Rain,
Una sa lahat, maaaring tanggalin ng employer ang isang empleyado batay sa makatarungan at awtorisadong mga dahilan. Ang mga makatarungang dahilan (just causes) ay tumutukoy sa mga gawaing may kinalaman sa maling aksyon o kapabayaan ng isang empleyado; sa kabilang banda, ang mga awtorisadong dahilan (authorized causes) ay tumutukoy sa mga legal na batayan para wakasan ang trabaho na hindi dahil sa kasalanan o kapabayaan ng empleyado.
Kaugnay ng iyong katanungan, sa kasong Joy M. Villarico vs. D.M. Consunji, Inc. and Madeline B. Gacutan, G.R. No. 255602, 03 Marso 2025, sa panulat ni Honorable Associate Justice Jhosep Y. Lopez, pinasyahan ng ating Korte Suprema na ang paggamit ng ilegal na droga ay maituturing na isang malubhang maling pag-uugali (serious misconduct), na isa sa mga makatarungang dahilan para matanggal sa trabaho sa ilalim ng ating Labor Code:
“Nevertheless, this Court ruled that Villarico was not illegally dismissed since his service was terminated for a just cause. We noted that Villarico was not able to dispute that he was found positive for prohibited drugs. In this regard, the use of illegal drugs qualifies as a serious misconduct under Article 297 of the Labor Code. Since he was validly dismissed, Villarico was not entitled to backwages and separation pay in lieu of reinstatement. x x x
To reiterate, the use of illegal drugs qualifies is a serious misconduct, which is one of the just causes for termination under Article 297 of the Labor Code.”
Kahalintulad sa kasong Eduardo Bughaw, Jr. vs. Treasure Island Industrial Corporation, G.R. No. 173151, 28 Marso 2008, sa panulat ni Honorable Associate Justice Minita V. Chico-Nazario, ipinaliwanag ng ating Korte Suprema na ang pag-abuso sa droga ay maaaring makapinsala sa pag-iisip ng gumagamit nito. Dahil dito, hindi mapag-aalinlanganan na ang sinumang empleyado na nasa ilalim ng impluwensya ng droga ay hindi maaaring magpatuloy sa paggawa ng kanyang mga tungkulin nang hindi nagbibigay ng seryosong banta sa buhay at ari-arian ng kanyang mga katrabaho at maging ng kanyang employer:
“The charge of drug abuse inside the company’s premises and during working hours against petitioner constitutes serious misconduct, which is one of the just causes for termination. Misconduct is improper or wrong conduct. It is the transgression of some established and definite rule of action, a forbidden act, a dereliction of duty, willful in character, and implies wrongful intent and not merely an error in judgment. The misconduct to be serious within the meaning of the Act must be of such a grave and aggravated character and not merely trivial or unimportant. Such misconduct, however serious, must nevertheless, in connection with the work of the employee, constitute just cause for his separation. This Court took judicial notice of scientific findings that drug abuse can damage the mental faculties of the user. It is beyond question therefore that any employee under the influence of drugs cannot possibly continue doing his duties without posing a serious threat to the lives and property of his co-workers and even his employer.”
Alinsunod sa mga nabanggit na kaso, maaaring matanggal sa trabaho ang iyong katrabaho sa kadahilanang gumagamit siya ng ilegal na droga. Magkagayunman, dapat sundin ng employer ang tamang proseso sa pagtanggal ng empleyado, gaya ng pagbibigay ng due notice at pagkakataong sagutin ang paratang, ayon sa itinakda ng ating batas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Isa sa layunin ng administrasyon ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ay ang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang mga mamamayang Pilipino. Isa sa kanyang programa ay ang “Pambansang Pabahay Para sa mga Pilipino” na itinuturing na pangunahing programa ng kanyang administrasyon. Tinitiyak ng programang ito na marami tayong mga kababayan na makakukuha ng kanilang minimithing bahay, sapagkat para sa isang tao, ang bahay at lupa ay isa sa mga pangunahing pangangailangan nito at ng kanyang pamilya.
Subalit ang pagbili ng bahay at lupa ay nangangailangan ng malaking halaga na napakahirap ipunin para sa isang ordinaryong empleyado na sumasahod lamang ng minimum. Kaya naman, palakasan ng loob ang pagkuha ng housing loan. Sa ganitong paraan ay maaaring magkaroon ng bahay at lupa ang isang mamamayan sa pamamagitan ng paghulog nito nang buwanan sa kanyang pagkakautang. Habang ito ay hindi pa nakababayad ay mananatili sa pinagkunan ng loan ang orihinal na titulo ng nasabing bahay at lupa, at mailalabas lamang ito kapag nabayaran na ang lahat ng pagkakautang.
Ngunit mayroong pagkakataon na nahihirapan ang isang mamamayan na mabayaran ang kanyang buwanang hulog at sa paglipas ng panahon ay hindi na tuluyang makapaghulog ng kanyang buwanang obligasyon. Kaugnay nito ay ipinasa ang Republic Act (R.A.) No. 6552 (Realty Installment Buyer Protection Act). Nakapaloob sa batas na ito ang mga karapatan ng mga bumibili ng bahay at lupa sa pamamagitan ng buwanang paghuhulog (installment basis).
Sakop ng nasabing batas ang lahat ng transaksyon o kontrata na may kinalaman sa pagbili ng real estate, maging ng condominium apartments. Ayon dito, kung ang buyer ay bumili sa pamamagitan ng buwanang paghuhulog at nakabayad na ito sa loob ng dalawang taon subalit hindi na niya kaya pang ituloy ang pagbabayad sa susunod na hulog, siya ay pinagkakalooban ng mga sumusunod na karapatan:
Karapatang maghulog ng bayad nang walang karagdagang interes sa loob ng palugit na araw (grace period) na nakredito sa kanya ayon sa bilang ng taon na siya ay nakapaghulog. Itinalaga ang isang buwan na palugit kada isang taon na paghuhulog. Subalit ang karapatang ito ay maaari lamang gamitin ng buyer nang isang beses kada limang taong termino ng kontrata;
Kapag ang kontrata ay nakansela, ibabalik ng seller sa buyer ang cash surrender value ng mga naibayad para sa nasabing ari-arian na katumbas ng 50% nang kabuuang naibayad. Pagkatapos ng limang taon na pagbabayad, may karagdagang 5% para sa bawat taong sumobra sa limang taon. Subalit ang ibabalik na halaga ay hindi hihigit sa 90% ng kabuuang halaga ng nabayarang hulog. Ang pagkansela sa kontrata ay marapat na mangyari pagkaraan ng 30 araw pagkatapos makatanggap ang buyer ng paalala (notice) ukol sa pagkansela ng kontrata, o hiling (demand) na tapusin na ang termino ng kontrata. Kailangang gawin ito sa pamamagitan ng notarial act at dapat din na ibalik ang kabuuan ng cash surrender value sa nasabing buyer;
Ang lahat ng paunang bayad, deposito, o options na naisama sa kontrata ay kasama sa pagkukuwenta ng kabuuang naihulog na bayad;
Kapag mas mababa sa dalawang taon ang naibayad, ang seller ay magbibigay sa buyer ng palugit para makapagbayad ng hindi bababa sa 60 na araw mula ng araw na kinakailangang maghulog;
Kapag hindi nakapaghulog ang buyer pagkaraan ng palugit na ibinigay sa kanya, maaaring kanselahin ng seller ang kontrata pagkatapos ng 30 na araw mula nang matanggap ng buyer ang notaryadong notice of cancellation or demand of rescission of the contract;
Sa mga nabanggit, maaaring ibenta ng buyer ang kanyang karapatan o ilipat ito sa iba bago ang aktuwal na pagkansela sa kontrata. Maaari rin niyang i-update ang kanyang kontrata sa pamamagitan ng pagbabayad ng kanyang mga arrears sa loob ng panahon ng palugit na ibinigay sa kanya at;
Ang isang buyer ay maaaring bayaran nang mas maaga ang kanyang mga hulog o bayaran nang buo ang kanyang pagkakautang sa kahit anong oras nang walang interes. Ang nasabing pagbabayad nang buo ay itatala sa likod ng titulo na sumasakop sa nasabing ari-arian. Anumang istipulasyon na kontra sa mga nabanggit ay walang bisa.
Comments