Gretchen Barretto, ‘di na kailangang magtago dahil lusot na sa kaso
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Ka Ambo @Bistado | January 20, 2026

Sinampahan ng reklamong impeachment si PBBM.
Eh, ano ngayon?
-----$$$--
PAMPABUWENAS ‘yan sa isasampang impeachment din kay VP Sara.
Nakangisi kaya si No.3 leader Tito Sen?
-----$$$--
KAPAG magkasabay o magkasunod na nawala ang president at vice president, ang senate president ang automatic na uupo sa Malañanang.
Pwes, i-forthwith na ‘yan!
-----$$$--
HINA-HUNTING na si Atong Ang.
Baka nagtatago sa Taal Lake.
-----$$$--
NAMUMURO na makalaboso uli si ex-Senator Bong Revilla dahil sa ghost projects.
Tumalab kaya ang agimat?
-----$$$--
Lusot sa kaso si Gretchen Barretto.
Hindi niya kailangan magtago.
-----$$$--
Wala raw warrant of arrest laban kay Sen. Bato dela Rosa.
Pero nagtatago siya.
Baka merong utang sa bumbay.
-----$$$--
DELIKADO rin daw makarsel uli si Sen. Jinggoy.
Ang motto kasi nila ni Pareng Bong ay "Walang iwanan."
-----$$$--
NAGHAHAGILAP ng testigo ang ICC laban kay Digong.
Mag-volunteer dapat si Trillanes.
-----$$$--
BAGSAK ang halaga ng peso.
Kung ganu’n, magdolyar tayo.
-----$$$--
BAGSAK din ang stocks.
Mag-jueteng na lang tayo.
-----$$$--
NAWALA na ang superflu.
Puwede na uli mag-TikTok.
-----$$$--
SUMIKAT bigla sina Kiko Barzaga at Leandro Leviste.
Baka gagawa rin sila ng pelikula.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments