Good vibes na lang daw… GABBY, BINATI SI SHARON NU’NG B-DAY
- BULGAR
- Jan 8, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | January 8, 2024

Nabuhayan ng loob ang ShaGab fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na friends na uli ang dalawa at matutuloy sa February 13, 2024 ang repeat ng kanilang Dear Heart concert.
Dahil ito sa birthday greetings ni Gabby kay Sharon. “Happy birthday ‘Dear Heart Jan. 6, 2024,” lang ang caption ni Gabby sa post niya na wala pa nga ang picture ni Sharon at photo lang niya na kuha sa concert ang ipinost. Inulit nito ang greetings kay Sharon sa sinabing “HAPPY Bday! @reallysharoncuneta #goodvibesonly.”
Masaya na ang ShaGab fans dito at masaya sila para kay Sharon. Naloka lang kami na may naniniwalang single na uli si Gabby at ang wish ay magkabalikan sila ni Sharon.
Hoy! Parehong pamilyado sina Sharon at Gabby at okay nang friends sila at puwedeng magkatrabaho anumang oras.
Sabagay, sa birthday greetings ni Kiko Pangilinan kay Sharon, nahimasmasan siguro ang mga nag-wish na magkabalikan sina Sharon at Gabby.
Sabi ni Kiko, “Happy birthday to my sweetheart, my wife, my best friend and the mother of my children, Sharon. I will always be here for you, to cheer you on, to raise you up, to be by your side and to support you always. I love you dearly, fiercely, unceasingly.
“I pray for your happiness, good health and success this 2024 and beyond. In the end, love conquers all!!”
Ayan, malinaw, “my wife” ang binanggit ni Kiko, so strong pa rin ang relasyon nila after magkatampuhan at maghiwalay na inamin mismo ni Sharon.








Comments