top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | June 27, 2025



Photo: Sarah Lahbati - IG


Tsinek namin ang Instagram (IG) ni Sarah Lahbati para malaman ang reaksiyon ng mga netizens sa pagkaka-link niya sa anak nina House Speaker Martin Romualdez at Tingog Partylist Representative Yedda Romualdez na si Ferdinand Martin Marty Romualdez.


So far, wala namang violent reactions sa kanyang Instagram (IG) page at hindi naman siguro ipini-filter o idine-delete ni Sarah ang mga nega comments. 


Wala ring bashing kaming nabasa at ang comment lang na parang tungkol sa isyu ay “I hope the rumors aren’t true. You don’t want to involve yourself with a... hay!” 


May nag-comment pa ng “Sad days are over,” at sinamahan ng red heart emoji.

Sa ibang site, maraming comments ang mga netizens tungkol sa love life ni Sarah. Ang daming invested, hindi pa nga kumpirmado kung sila na ni Marty o nanliligaw pa lang dahil walang nagsasalita sa kanila mula nang lumabas ang balita.


Isyu sa mga netizens na younger daw kay Sarah si Marty at pati ang pagiging mayaman nito as compared kay Sarah. 


Isa pang isyu ay ang pagiging politician ni Marty at pati ang pamilya nito, pinoproblema ng mga tao kung makakapag-adjust si Sarah. 


Ikinukumpara rin si Sarah sa ex ni Marty na si Rocio Zobel na galing sa angkan ng mga Zobel at anak nina Iñigo Zobel at Maricris Cardenas-Zobel. 


Wala namang kinalaman si Sarah sa breakup nina Marty at Rocio.

Marami rin ang positive comments kay Sarah, siya raw ang nilapitan ng guy.


Saka, deserve rin niyang maging masaya at walang masama kung may bago siyang pag-ibig na nagpapasaya sa kanya.


Anyway, nasa Paris pa yata si Sarah, pero hindi nakalimutang i-promote ang Bad Genius: The Series (BGTS). Kasama siya sa cast ng series na tampok sina Atasha Muhlach, Hyacinth Callado, Gab Lagman at Jairus Aquino, directed by Derick Cabrido.



NASA Switzerland sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa reels video na ipinost ng aktres. 


Sa Zurich nila itutuloy ang taping ng Sanggang Dikit FR (SDFR), at kasunod nito, lilipad sila pa-Dubai para mag-taping pa rin at makipagkita sa mga Pinoy doon.


Sa isang post ni Jennylyn, may disclaimer siya na ‘#justforfun #goodvibesonly’ para sa mga magre-react sa reels kung saan hinayaan niyang tumakbo ang stroller na sakay ang anak na si Dylan dahil busy si Jennylyn sa pagpi-picture sa kanyang paligid habang nasa Milan, Italy sila.


Obvious namang may nakaabang kay Dylan at hindi niya ito hahayaang maaksidente. Kaya nga nila isinama ni Dennis ang anak sa trip nila abroad dahil ayaw nilang maiwan dito ang bata na malulungkot daw. 


Ang napansin ng mga netizens, mabilis lumaki si Dylan at maganda siyang bata. Kaya ang payo kina Jennylyn at Dennis, mag-anak pa sila at paramihin ang kanilang lahi. Sayang daw kung isa lang ang kanilang anak, kaya dagdagan pa nila para may kapatid pa sina Dylan, Jazz at Calix.


Samantala, totoo nga ang sinabi nina Jennylyn at Dennis na maaksiyon ang SDFR dahil mula pilot hanggang sa episode kagabi, ang daming action scenes agad ang napanood. 


More to come pa raw, kaya tutok lang sa GMA-7.



WALA nang pag-asang manalo sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition si Shuvee Etrata dahil na-evict sila ni Klarisse de Guzman at hindi na nga nakasama sa Big Four.


Pero, sa dami ng blessings na dumarating kay Shuvee, para na rin siyang mananalo.

May endorsement na si Shuvee at madaragdagan pa dahil mainit siya ngayon at maraming supporters. 


Makakadagdag din sa exposure niya ang pagho-host sa Unang Hirit (UH) at aabangan siya sa Sang’gre.


Paborito ng tao si Shuvee at patunay nito ang mabilis na pagtaas ng mga followers niya sa Instagram (IG), TikTok (TT) at iba pa niyang socmed (social media) account. 

Ang dami rin nitong guesting sa GMA at sa ABS-CBN at dumami ang mga fans.


Handang gumastos ang mga fans ni Shuvee sa kanya. Niregaluhan siya ng LED billboard sa EDSA at ang mahal nu’n. 


Balita ring may pagbibidahan siyang afternoon soap at may gagawing pelikula.

Pinanghinayangan ni Shuvee na hindi siya ang mananalo sa PBB na ang winner ay mag-uuwi ng P1 million. 


Sabi naman ng mga fans nito, magsipag lang siya at makakaipon din siya ng P1 M. 

Matutupad din ang dream niyang mabigyan ng bahay ang family niya para hindi na sila makitira sa lola niya.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | January 8, 2024



ree

Nabuhayan ng loob ang ShaGab fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na friends na uli ang dalawa at matutuloy sa February 13, 2024 ang repeat ng kanilang Dear Heart concert. 


Dahil ito sa birthday greetings ni Gabby kay Sharon. “Happy birthday ‘Dear Heart Jan. 6, 2024,” lang ang caption ni Gabby sa post niya na wala pa nga ang picture ni Sharon at photo lang niya na kuha sa concert ang ipinost. Inulit nito ang greetings kay Sharon sa sinabing “HAPPY Bday! @reallysharoncuneta #goodvibesonly.”


Masaya na ang ShaGab fans dito at masaya sila para kay Sharon. Naloka lang kami na may naniniwalang single na uli si Gabby at ang wish ay magkabalikan sila ni Sharon. 


Hoy! Parehong pamilyado sina Sharon at Gabby at okay nang friends sila at puwedeng magkatrabaho anumang oras.


Sabagay, sa birthday greetings ni Kiko Pangilinan kay Sharon, nahimasmasan siguro ang mga nag-wish na magkabalikan sina Sharon at Gabby.


Sabi ni Kiko, “Happy birthday to my sweetheart, my wife, my best friend and the mother of my children, Sharon. I will always be here for you, to cheer you on, to raise you up, to be by your side and to support you always. I love you dearly, fiercely, unceasingly.


“I pray for your happiness, good health and success this 2024 and beyond. In the end, love conquers all!!” 


Ayan, malinaw, “my wife” ang binanggit ni Kiko, so strong pa rin ang relasyon nila after magkatampuhan at maghiwalay na inamin mismo ni Sharon.

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page