Sa wakas, umamin na… BARBIE: RELASYON NAMIN NI RICHARD, ‘DI N'YO KAYANG SIRAIN
- BULGAR

- 50 minutes ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | January 21, 2026

Photo: I Richard Gutierrez at Barbie Imperial - FB CIrculated
Nagsalita na si Barbie Imperial tungkol sa totoong relasyon nila ni Richard Gutierrez.
Matapos ang dalawang taong puno ng haka-haka ay inamin na nina Richard at Barbie ang kanilang relasyon.
Kung matatandaan, opisyal na nag-date sina Barbie at Richard noong 2024. Bagama’t hindi pa nila kinukumpirma noon ang kanilang relasyon, ang pagkakakita sa kanila sa iba’t ibang pagkakataon ang naging basehan ng mga netizens na may namamagitan na sa dalawa.
Noong nakaraang taon, dinepensahan ng aktor si Barbie at sinabing, “Hindi s’ya third party, ‘di nag-overlap. Kasi maraming tao, mga bashers, na nagsasabi na s’ya ang dahilan. Wala s’yang kinalaman.”
So ngayon, umamin na talaga sila.
Ayon kay Barbie, “Ang masasabi ko lang, na ‘di kami nagtatago. Pinili lang namin na magkaroon ng pribadong relasyon dahil alam naming ayaw namin ng… Ang ‘di alam ng mga tao ay ‘di nila kayang sirain.”
Sinang-ayunan ito ng aktor at sinabing napagkasunduan nila mula sa simula na panatilihing pribado ang kanilang relasyon.
“From the beginning, ganu’n talaga. We want to keep things private. Mas relaxed ‘yung ganu’n, mas gusto namin ‘yung ganu’n,” aniya pa.
Well, ang sey nga noon ni Richard Gutierrez, “Kung ano ang nakikita mo ay ‘yun ang makukuha mo,” kapag may nagtatanong tungkol sa kanilang dalawa ni Barbie.
Komento ng isang netizen, “Kaya umamin ang dalawang ‘yan kasi may teleserye nang ginagawa. Para nga naman mapag-usapan. Promo rin naman kasi.”
Ganern?
BFF, haping-hapi pa rin daw, Derek…
BEAUTY: HIWALAYAN, ‘DI NA BAGO KAY ELLEN
IBINAHAGI ni Beauty Gonzalez na maayos ang kalagayan ni Ellen Adarna at mapayapa ang buhay nito matapos ang paghihiwalay nila ng hubby niyang si Derek Ramsay.
Inilarawan ng Kapuso actress si Ellen bilang forever beauty friend niya na may kumpiyansa sa sarili at maayos ang pag-iisip, na siyang ikinatuwa niya para sa kaibigan.
Binigyang-diin niya na mas gusto niyang huwag masyadong pag-usapan ang pribadong buhay ng kaibigan.
Dagdag pa niya, si Ellen ay dumaan na sa mga sitwasyong alam niya kung paano haharapin, na siyang ipinagmamalaki ni Beauty bilang isa sa mga katangian ni Ellen.
Sa isang panayam, binigyang-diin ng aktres na maayos ang kalagayan ni Ellen at nakapokus ito sa kanyang sarili.
Aniya, “Ellen is doing fine. She’s beautiful. Nakakainis! Which is good, kasi parang, ‘di ba, you have to look beautiful and move forward.
“Masaya ako para sa kanyang kapanatagan ng loob. ‘Yun lang ang masasabi ko dahil ayoko talagang pag-usapan ang mga kaibigan ko. ‘Di ko talaga alam kung ano na ang nangyayari sa personal nilang buhay.”
Tinapos ni Beauty ang kanyang pahayag sa pagpapakita ng pagmamalaki at paghanga sa kaibigan.
Aniya, “Basta people don’t get your vibe, change the people not your vibes. She doesn’t need support, it’s not a new thing to her. It happened before with her past relationship, so I think she knows how to handle herself. And iba talaga when you have a choice. So she’s very lucky. Yeah, proud ako sa kanya.”
NAGBUKAS muli ng bagong food chain si Alden Richards sa kanilang lugar sa Sta. Rosa, Laguna. Nakigulo sa launching ang kanyang mga kasamahang Kapuso artists na sina Bea Binene, Kristoffer Martin, at Barbie Forteza.
Naging reunion ito ng Tween Hearts (TH) cast kasama si Alden.
Filipiniana theme ang opening ng bagong negosyo ni Alden at may mga netizens na nagbigay ng kani-kanyang komento:
“Hindi maganda ang damit ni Alden.”
“Off kasi ‘yung fit pero swak naman sana for the event dahil Filipiniana theme ang store. Nice to see the other stars na supportive sa kanya and chill lang like si Barbie na no makeup pa.”
“Patuloy lang si Alden sa pag-unlad, pagkita at pagbibigay ng trabaho! Magpakayaman ka!
Mas marami pang tagumpay para sa iyo!”
“Sabi nga si Alden daw nagse-serve minsan. Nagtatawag din s’ya ng number. ‘Pag daw ‘di agad lumapit para kunin ang order, sasabihin n’ya, ‘Sige, ako na lang ang kakain nito.’”
“Galing talaga ni Alden sa mga negosyo. Congrats!”
“Ang baduy talaga pumorma ni Alden ever since. Turned-off malala.”
“Okey lang basta may franchise ng McDo.”
Hahaha! Hanep!








Comments