top of page

Gobyerno, tila walang solusyon sa krisis sa bansa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | March 17, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Binakuran nang todo ang paligid ng Malacañang.

Eh, bakit?


-----$$$---


HIGIT nang P100 kada litro ng diesel.

Saklolo!


-----$$$---


MAAARING umabot sa P60 ang palit ng kada isang dolyar.

Tataas ang presyo ng mga bilihin lalo na ang imported goods.


-----$$$--


NAKIKISABAY ang Meralco.

Itataas din ng singil sa konsumo ng elektrisidad.


-----$$$--


SIYEMPRE, hindi papayag ang mga tsuper at operators.

Magpapalobo rin sa singil sa pasahe.


-----$$$--


AUTOMATIC, lalaki rin ang singil sa biyahe ng eroplano at barko.

Hindi rin bibiyahe ang maraming public vehicles.


-----$$$--


APEKTADO ang galaw ng mga tao.

Aktuwal na dispalinghado ang takbo ng ekonomiya.


-----$$$--


HIGIT sa pandemic ng Covid 19 ang mararanasan natin.

Asahan ang pagdami ng krimen lalo na ang pagnanakaw, estafa at scam.


-----$$$---


MARAMI ang aatakehin sa puso at iba pang sakit dahil sa “stress” at paghina ng immune system.

Dadami ang bilang ng mga yayaong hindi makakatikim ng doktor at ospital.


-----$$$--


MARAMI ang kaso ng pagkabaliw.

Dadami rin ang kaso ng pagpapatiwakal.


-----$$$--

MARAMI ang mawawalan ng trabaho.

Maraming pamilya ang mag-aaway-away dahil sa pera at utang.


-----$$$---


DADAMI ang magno-novena sa Simbahang Katoliko at magba-bible reading sa ibang sekta.

Isasandal ang kanilang buhay sa “dasal” at sa kanilang ng mga Diyos!


-----$$$--


WALANG mabisang paraan ang gobyerno upang matulungan ang mga nagdarahop.

Madaragdagan ang utang ng bansa—pero, nanakawin ulit ito ng mga buwitre sa pamahalaan.


-----$$$--


Ang krisis sa ekonomiya kahit saang bansa, ay magbubunsod sa panghihina ng istruktura ng gobyerno.

Sa ibang lugar, ang pagkagutom ay nagbubunga ng kaguluhan o pambabastos sa batas.


-----$$$--


ISANG Haring Solomon ang kailangan natin ngayon.

Iyan ba ay si PBBM?




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page