Gobyerno at pribadong korporasyon, panahon na para ipaubaya sa kabataan
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | February 16, 2026

Umeeksena na naman ang isyu kaugnay sa nakatakdang pagdinig sa kaso ni dating Pangulong Digong sa ICC.
Matatabunan ang flood control projects scam.
-----$$$--
TINUKOY ng ICC ang mga inaakusahang kasabwat ni Digong.
Palag ng mga suspek, “Tsismis lang po!”
-----$$$---
GUMIGIRE na ang mga potensiyal na kalaban ni VP Sara sa 2028 election.
Kumbaga kay Atong Ang, naggigitgitan ang mga “tiyope.” Ha-ha-ha!
-----$$$--
SA sabong, ang mga tiyope ay inilalaban ng mga handlers kahit alam nilang matatalo ang kanilang manok.
Kumikita ang handler mula sa “nakamaskarang financer”.
Siyempre, tatabo rin ang “tiyopeng presidentiable”—at makakabili ng ari-arian at mapag-aaral ang mga anak sa abroad.
-----$$$--
SAKALING ngayon ang eleksyon, walang tatalo kay VP Sara bilang presidente.
Pero, maraming PR consultants ang yayaman.
-----$$$---
MARAMI ring re-electionist ang matatalo.
Kumbaga kay Binoe, salamat sa flood control scam.
Nauntog na ang mga botante.
-----$$$--
DAHOP ang ekonomiya.
Imbes na gamitin ang boga ng mga pulis, may mga scalawags na ginagamit ang armas sa paggawa ng krimen.
-----$$$--
WALANG espesyal na aktibidad ang pulisya para linisin ang sariling hanay.
Eh, bakit?
----$$$--
BAKIT nagkalat ang puslit na sigarilyo ang iba pang puslit na produkto?
Graft and corruption din ang ugat niyan.
-----$$$--
AYON kay Robinhood, “weak” ang mga bata.
Nagmula iyan sa “batang isip”.
----$$$--
INAAKALA ng marami na ang napapanood nila sa mainstream media at social media ay totoo.
Aray ko po!
----$$$--
HINDI na maire-reverse—diretso na sa pagkalugi ang malalaking media network.
Ito ay dahil sa digitalization at AI.
D’yan lahat patungo tulad sa pagkawala ng makinilya, wires, beeper, fixed telephone, fax, TV sets at iba pa.
-----$$$--
MAGING ang mga behikulo na gumagamit ng diesel at gasoline ay masasapawan ng electric car.
Maging ang power grid ay maglalaho dahil sa quantum energy, solar power at wind energy.
-----$$$--
Maiiwan sa pansitan ang mga takot sa inobasyon at teknolohiya.
Dapat nang ipaubaya ang gobyerno at pribadong korporasyon sa hanay ng mga kabataan ang trangko at liderato.
Lumaki sila na kalaro ang digital images sa kanilang mga selpon.
-----$$$--
ANG mga lipas nang matatandang naiwanan ng teknolohiya—ang nagdedesisyon sa kapalaran ng mga kabataan.
Malaking kabulastugan at isa na itong krisis at modernong pandemya.
-----$$$--
HINDI ang kabataan ang “weak”, bagkus ay ang pulpol na utak ng mga matatanda.
Matitigas ang kanilang mga ulo at ayaw tumanggap ng modernisasyon.
-----$$$---
PAGNANAKAW, pandarambong ang inaatupag ng mga buwaya—across all departments!
Hindi ito matanggap ng mga hinayupak!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments