top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gigil much sa BF… YASSI, PANAY ANG HALIK AT YAKAP KAY GOV. LUIGI KAHIT MAY CAMERA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 9, 2024
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 9, 2024



                                                        

Marami na naman ang pinakilig at meron ding mga nainggit sa bagong in-upload na video ni Yassi Pressman sa Instagram kasama ang boyfriend na si Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte na nasa dagat at yate ang setting.


Nakakatawa ang mga comments na nag-take advantage si Yassi sa boyfriend dahil ang aktres daw ang halik nang halik kay Luigi at grabe raw makayakap. Nanantsing daw si Yassi na kahit may kamerang nakatutok, tuloy sa paghalik sa dyowa, samantalang ang boyfriend, nakahawak lang sa leeg ni Yassi.


Comment pa ng isa, mabilis nakapag-move on ang leading lady ni Ruru Madrid sa Black Rider at mukhang very much in love ito sa boyfriend. Ang paniniwala naman ng iba, ang mga ganitong eksena ay hindi na dapat isine-share sa social media. Dapat daw ay private na lang para kapag nag-break sila ay walang masasabi ang mga tao.


Kaso, in love nga si Yassi, kaya walang magagawa ang mga super ang reaksiyon sa kanila. Pero, makikita naman na parang sa kasalan magtatapos ang relasyon ng dalawa.

Siguro naman, ‘di na pakakawalan ni Gov. Luigi si Yassi, bukod sa maganda at sexy ang aktres, talented ito sa pagsasayaw.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page