top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Gerald, magpapalit na lang daw ng GF, wa' pa class… JULIA, TINAWAG NA 'RICH KID NA WALANG BREEDING'

BULGAR
Jul 14, 2021
2 min read

NG FAN NI BEA


ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 14, 2021



'Kalokah ang kani-kanyang fans nina Bea Alonzo at Gerald Anderson-Julia Barretto, parang sila pa ang mas hindi maka-move on o ayaw mag-move on sa ghosting issue samantalang two years ago na 'yun, 'no!


Nag-post lang si Gerald sa kanyang Instagram account ng picture nila ni Yam Concepcion para mai-promote ang kanilang seryeng Init sa Magdamag, nagsimula nang magsagutan ang mga fans ng aktor at ni Bea sa comment section.


Unang nag-comment si withlovepumpkin sa photo na ipinost ni Gerald, "Mag-level-up ka naman sa aktingan, nilalamon ka ni JM sa mga eksena n'yo!!! Kahit ano'ng role mo, nakikita ko si Budoy pa rin! 'Kaloka."


Matatandaang nakilala si Gerald sa Budoy character sa isang seryeng ginawa niya noon kung saan gumanap siyang special child.


May mga nagtanggol kay Gerald at sumagot sa comment ni withlovepumpkin tulad ni aledelon003 at sey nito, "@withlovepumpkin Hindi mo lang tanggap na ibinasura at inayawan niya si Bea."


Ayaw patalbog ni withlovepumpkin at nag-reply uli, kung saan pati ang GF tuloy ni Gerald na si Julia Barretto ay nadamay pa.


"@aledelon003 Excuse me po, ibinasura nga ba? At sino ang ipinalit, 'yung hindi kumakain ng isaw? Kung si Julia lang naman ang ipinalit, naku po, bumili kaya kayo ng class!!! 'Yung rich kid na walang breeding ???" patutsada-panlalait pa ng netizen kay Julia.


Sagot uli ni aledelon003, "@withlovepumpkin Haha! Tanong mo ke tandang Bea, kung tutuusin, good catch na siya kasi may farm, pero iniwan pa rin, ibinasura. Si Gerald lang nakakaalam nu'n ba't mas pinili niya si Julia kesa kay Bea, hindi kagaya natin na 'di naman natin sila kilala nang personal."


Nag-reply pa rin si withlovepumpkin, "@aledelon003 Wala naman akong paki du'n kay Bea, ang comment ko lang dito, tungkol sa aktingan. Ewan ko ba at isinali mo 'yung mga babae niya. Ganu'n ba talaga ang mga fans ni Budoy?"


'Kalokah! Ayaw nilang paawat to the point na pati ang paglipat ni Bea sa GMA-7 ay pinansin at tinawag na mukhang pera ang aktres kaya iniwan ang ABS-CBN.


Huy!!! Magsitigil kayo!!! Af if namang hahalikan kayo ng mga idol n'yo sa pagtatanggol n'yo sa kanila, 'no!


Jusko, hanap-away talaga?! Kalerkey!!!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page