Galit na galit sa panlalaglag kay Coco… NETIZEN KAY MICHAEL: TITIRAHIN KITA SA PUWET AT MANOY
- BULGAR
- Mar 24, 2021
- 1 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 24, 2021

Ipinost ni Michael de Mesa ang banta sa kanya ng netizen na galit na galit sa karakter niya bilang si ‘manager’ sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa ginawa nitong pagtalikod kay Cardo Dalisay (Coco Martin) at sa mga kasamahan nito.
Isa rin kami sa mga buwisit sa karakter ni Michael dahil inilaglag niya si Cardo kay
Lito (Richard Gutierrez) para makamit ang pangarap niyang yumaman.
Ang netizen na galit kay Michael ay si Dansh FarMir na ipinost ng aktor ang profile picture, at ang caption niya sa kanyang post: “Ganu'n ba ako ka-effective? Bro, teleserye lang 'yan. 'Wag masyadong seryoso. Positive vibes lang. Hahaha!”
Sabi kasi ni Dansh, “Hoy, Manager, sana mamatay ka na sa Probinsyano mo. 'Pag nakita kita sa personal, titirahin kita sa puwet mo at sa tit* mo.”
Pero ilang oras lang ang nakalipas at marahil ay nahimasmasan o may nagpayo kay Dansh kaya binawi na nito ang mga sinabi laban kay Michael.
Aniya, “Sir Michael De Mesa. Pasensiya na po, PWD ako na nadala lang po ako sa galing mong pag-arte. Galit na galit ako sa ginawa mo kay Sir Cardo sa palabas n’yo po. Sori po talaga. Gusto kong magsori sa inyo kahit sa harap."
Kaya sabi ng aktor, “Guys, nag-sorry na siya! Thank you for having my back. Let this be a teachable moment for all of us. To be careful of what we say to each other online and in person. Basta good vibes lang tayo!”
Hindi nagawang magalit ni Michael sa netizen dahil sabi nga niya, effective ang ginawa niya para magalit sa kanya ang manonood.





Comments