ni Beth Gelena @Bulgary | February 13, 2024
Viral ang video nina Jake Cuenca at Chie Filomeno na magka-holding hands.
Ang tanong ng mga netizens, "Sila na ba?"
Mukhang may kumokontra sa relasyon ng dalawa dahil may nag-comment ng "Why Chie, whyyyy? Sayang ka."
"Mukha naman silang masaya. Sino ba naman tayo para humadlang kung nagkakaibigan man silang dalawa. Bagay sila," depensa ng isa.
Marami nga ang nagsasabing bagay silang dalawa. Sana, this time, for keeps na 'yan, Jake, ha?
As long as they're both single, walang tinatapakan, go lang nang go!
May nagsabi namang "Naka-move on na si Jake kay Kylie (Verzosa). Hanggang kelan kaya ito?"
May netizen naman na ang ngipin ni Jake ang pinuna, "Can't find anything objectionable about this video, except for Jake's teeth. JC's facial structure seems to be heavily affected by his new veneers."
"Mukha rin namang hindi marrying type si Chie. So, bakit wina-warning-an n'yo siya kay Jake?"
Anyway, wala pa namang confirmation mula sa dalawang celebrities kung officially in a relationship na sila or just friends pa rin.
Friends? Holding hands while walking?
Comments