top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

FRANCINE, MUKHANG PRINSESA, SETH MUKHANG D.I. SA SUOT SA STAR MAGICAL PROM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2024
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 17, 2024



Photo: Screengrab from Star Magical Prom / FB


Agaw-pansin ang gown ni Francine Diaz sa Star Magical Prom 2024. Siya ang napili ng isang entertainment website bilang Best Dressed sa nasabing event.


Nag-post ang naturang website ng picture nina Francine at Seth Fedelin at komento ng mga netizens...


“Ang ganda nga ng dress niya. Not over the top pero maganda. Magaling ang nag-style sa kanya. So, guys, mas bet ko si KD (Estrada), nag-iba mukha, mas pumogi, pero ‘yung polo sa likod, nakalabas. Sira ang porma.”


Sey pa ng isang netizen, “Hindi pala guwapo ‘yang Seth sa unang picture.”


Tanong tuloy ng isang commenter, “Kailan naman siya naging guwapo?”


Hahaha! Hindi naman niya hate ang young actor, ha?


Pamba-bash ng isang netizen, “Her partner looks like he is out to do a dance for Saturday Night Fever, but nagkulang to approach John Travolta levels.”


Ito ang iba pang comments ng mga netizens:


“Bagay na bagay kay girl ang gown, minus Seth na mukhang D.I. (dance instructor) sa lalim ng V neck.”


“Hahaha! Variant pa rin siya nu'ng DEEJAY (Daniel Padilla).”


“She looks gorgeous!”


“True. Bet ko din. She looks like a princess.”


Puna naman ng isa, “Wala na talagang kinang ang Star Magic now. Gone are the days na puro best dressed ang uma-attend.”


Kapansin-pansin naman itong komento na naglagay pa ng mga runner-up. Aniya, “Ganda ni Francine (Diaz) at dress niya, 2nd ko si Anji Salvacion, 3rd si Maris (Racal). Hindi ko bet damit ni Alexa (Ilacad). Matured siyang tingnan talaga. Siya ang worst dressed ko.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page