top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

First time raw ginawa ng dating Viva Hot Babes… SHEREE, NAGHUBO'T HUBAD SA MOVIE, PRIVATE PART,

BULGAR
Jul 11, 2021
2 min read

MALA-JUNGLE!


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 11, 2021



Nagkatawanan sa virtual mediacon ng pelikulang Nerisa nang aminin ng sexy star na si Sheree Bautista na African jungle ang hitsura ng private part niya nang mag-frontal nudity siya dahil kinunan ito sa isla.


Si Giselle Sanchez na host ng mediacon ang nagtanong ng, “Sheree, is it Brazilian strip, naked ambition or African jungle?"


Tumatawang sagot ni Sheree, “It’s an African jungle. Hahahaha!”


“Talaga? Hindi kita kinaya," tumatawang sagot ni Giselle.


Sundot ng sexy star, “Siyempre, 'pag nasa isla ka, wala ka namang pang-Brazilian doon, 'di ba? Kaya uma-African jungle muna tayo nang very, very light.


“The whole time kasi, sabi nga ni Direk Law, paghandaan daw ‘yung karakter, so medyo maitim ka, which is ito naman talaga ang kulay ko.


“And siyempre, wala namang pang-ano talaga sa isla, kaya pinanindigan ko na, at least, wala akong ginastos sa buong buwan, nakatipid ako ru'n ng salon. Kaya pinaghandaan ko talaga ‘yung buhok at ang pagiging African jungle.”


Bagama’t sexy star si Sheree at dating miyembro ng Viva Hot Babes ay ni minsan, hindi pa siya gumawa ng pelikulang may frontal nudity, kaya rito sa Nerisa ay kabado siya at inisip niyang mabuti.


“Virgin na virgin pa ako! Hahahaha!


“The character calls for it po, kailangan po kasi, kaya ini-ready ko naman ‘yung sarili ko to accept the role.


“Nasabi ko naman sa self ko na it’s about time na rin na nabigyan ako ng role na maganda naman, saka makaka-support sa story ng pelikula at kung mapapaganda, why not?


“So, ini-ready ko na ang sarili ko and yes, first time po, virgin na virgin po ako pagdating sa pagpapa-sexy sa movie! Kaya na-devirginize na po ako sa Nerisa. Hahahaha!” kuwento nito.

Sex worker ang karakter ni Sheree kaya kailangan talaga niyang maghubad.


“I trusted sobra si Direk Law sa character ko, kaya sabi ko, kahit ipakita ko lahat, alam ko namang maaalagaan ako,” saad nito.


Samantala, makakasama ni Sheree sa Nerisa sina Aljur Abrenica, Sean de Guzman, Elizabeth Oroposa, Bembol Roco at ang bidang si Cindy Miranda.


Mapapanood ang Nerisa sa July 30, sa global premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, and TFC IPTV at sa Vivamax.


Available rin ang Vivamax sa Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain at Qatar, watch all you can na. Sa Europe, makakapanood na rin sa Vivamax.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page