top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

FILM ACTRESS OF THE YEAR AWARD NI NORA, SI JOHN RENDEZ ANG TUMANGGAP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 29, 2021
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 29, 2021




Unti-unti nang nagbabalik sa normal ang sitwasyon at nakakatuwa namang bukod sa mga face-to-face presscons, may mga physical awards night na rin at hindi na lang basta virtual gathering.


Tulad na lang ng pinuntahan naming 3rd Laguna Excellence Awards Night last Saturday sa Malayan College Auditorium sa Cabuyao, Laguna, dahil isa ang inyong Ateng Janiz Navida sa mga awardees bilang the Most Outstanding Editor of the Year ngayong 2021.


Photo: Mars Santos



Sayang nga lang dahil kahit marami-rami ring awardees ang dumalo that night, mukhang takot pa at nag-aalala pa rin ang mga celebrities na lumabas.


Hindi nakarating si Superstar Nora Aunor na tinanghal na Outstanding Film Actress of the Year para sa Isa Pang Bahaghari.


Buti na lang at dumating ang kanyang ever supportive 'special friend' na si John Rendez, na isa rin sa mga awardees that night bilang Outstanding Male Singer of the Year, at siya ang nag-accept ng award ni Ate Guy.


Nagpadala naman ng kani-kanilang pasasalamat through video message sina Mr. Phillip Salvador (Outstanding Male Actor of the Year for Isa Pang Bahaghari), Tito Boy Abunda (Outstanding Male TV Host for Tonight with Boy Abunda), Iza Calzado (Outstanding TV Actress of the Year for Ang Sa Iyo ay Akin na ka-tie ng kanyang co-actress na si Jodi Santamaria), Jayda Avanzado (Outstanding Female Pop Artist of the Year for Sana Tayo Na), at Kitkat (Outstanding Female TV host para sa Happy Time).


Na-happy din kaming makita that night ang napakaguwapong bunso ni Senator Bong Revilla, Jr. na si Ram na binata na pala at kamukha rin ng kanyang daddy. Siya ang tumanggap ng Lifetime Achievement Award for Film ni Sen. Bong at siya rin ang nag-deliver ng written speech ng kanyang ama.


Ang cute ni Ram habang binabasa ang speech na nakasulat sa Tagalog. Medyo hirap sa Tagalog ang bunso ni Sen. Bong pero naitawid pa rin naman nito kaya nakakatuwa.


Present din that night ang tinanghal na Outstanding Indie Actor of the Year for Maranhig na si Tonz Llander Are at ang Most Promising Child Star na si Jash Guevarra.


To all our co-awardees sa 3rd Laguna Excellence Awards, congratulations!!!


At sa lahat naman ng bumubuo sa Laguna Excellence Awards, lalo na kina Sir Aries Concepcion at Ma'm Maan Cueto Aris, gayundin sa TKS N Sons Singapore and 3 Stars Production, maraming salamuch!!!


Of course, tulad nga ng sinabi namin sa aming speech, maraming salamat din sa lahat ng mga Ka-Bulgar na patuloy na nagtitiwala sa aming pahayagang BULGAR at sa lahat ng certified Marites ng Pilipinas. Isang talento ang pagiging Marites kaya 'wag nating ikahiya!


At higit po sa lahat, maraming salamat kay Papa God sa talentong ibinigay sa amin para makapaghatid ng makabuluhang balita at good vibes sa araw-araw!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page