Fil-Am, arestado sa mall... P12B pekeng pera, buking
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | March 13, 2026

Photo: Nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang P12 bilyong halaga ng mga pekeng pera sa isang operasyon sa Pasay City.
Timbog ang isang Filipino-American sa entrapment operation nang magbenta sa undercover agent ng pekeng foreign currencies, sa loob ng isang mall sa Pasay City kahapon, Biyernes.
Nakuha sa suspek, na hindi pinangalanan ang pekeng dollar bills, Malaysian Ringgit at American Federal bonds na umabot sa $200 milyon, katumbas ng P12 bilyon, sa operasyon noong Marso 11.
Kahapon sa pulong balitaan, ipinrisinta ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pangunguna ni NBI Director Melvin Matibag, ang suspek na ipaghaharap ng reklamong illegal possession and use of false treasury or bank notes and other instruments sa paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code (RPC).
Nakumpirma ng NBI ang ilegal na gawain matapos ang masusing pagmamanman sa loob ng tatlong buwan at ilang test-buy operations laban sa suspek.
Isusumite naman ng NBI-Criminal Intelligence Division ang mga nakumpiskang pekeng currencies at treasury notes at treasury bonds sa US Secret Service, sa pamamagitan ng Homeland Security sa US Embassy sa Maynila.
“This operation is not merely an arrest; it is a decisive blow against a multi-billion-peso threat to our financial integrity,” ani NBI Director Matibag.




Comments