top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Feeling mo, mic 'yan? Pabida ka naman, man! BAGUHANG AKTOR SA BL SERIES, TODO-DISPLEY NG MANOY SA

BULGAR
Apr 17, 2021
2 min read

SOCMED SUMIKAT LANG


ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 17, 2021





BLIND ITEM:


Nakakaloka ang baguhang aktor na produkto ng isang contest sa noontime show at ngayon ay nakilala na rin matapos makasama sa isang BL (boy's love) series.


Mahilig 'magpabakat' ang aktor sa kanyang mga pictures at videos. Pero wala na rin naman siyang itatago dahil nakita na ito ng publiko.


Pa-“thirst trap” pa ang kanyang emote sa kanyang mga videos na ipino-post online. Wala siyang paki sa mga videos na kumakalat. Ini-enjoy pa nga niya ito.


Sey ng source, kahit ano ay gagawin ng aktor nang walang limitasyon para sa ilusyon niyang maging big star.


Akala yata ng binatang aktor, ganu'n kadali ang pagsikat. 'Di ba, ang kuwento noon, in-enjoy niya ang pagkakalat sa social media para mapansin?


Ayon sa kuwento, talagang nagkaroon ng ere ang BL actor na ito. Hindi niya feel kasabay ang mga kasabayan niya sa isang grupo nu'ng nagsisimula pa lang siya at tinarayan niya ang mga ito nu'ng nagkasama sila.


Dagdag ng source, nauubusan na siya ng kaibigan, na hindi naman kataka-taka dahil sa ugali niya.


Isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit yumabang siya ay dahil kinunsinti siya ng kanyang manager. Hindi kasi naturuan ng right attitude ang binata.


Nu'ng nagsisimula pa lang siya ay para siyang anghel, ngunit nang umingay ang pangalan ay nagkaroon na ng sungay.


Sabi pa ng aming kausap, sana man lang, ilugar niya ang kanyang kayabangan. Hindi naman siya big star. Paulit-ulit nga ang kanyang nakukuhang projects pero halos lahat ay BL.


Sana nga ay hinusayan niya para matakpan ang kanyang pagkakalat.


Sa dami rin kasi ng BL series ngayon, nauumay na ang mga tao kaya kung hindi siya mag-i-standout, walang mangyayari sa kanya at hindi siya mapapansin.


Tanong nga ng source, aware kaya ang binatang aktor na may mga naiinis sa kanyang kayabangan?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page