top of page

Ex-PDu30, imiiskor sa kaso sa ICC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2025
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | May 18, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Umiiskor si Digong sa kanyang kaso sa ICC.

Nagbakasyon ang prosecutor.


-----$$$--


INAKSYUNAN ng president ng ICC at plenaryo ng mga huwes ang petisyon kaugnay sa pag-i-inhibit ng 2 judges sa isyu ng hurisdiksyon.

Hiningian ng paliwanag ng plenaryo ang 2 sa 3 huwes na may hawak ng kaso kung bakit hindi sila puwedeng mag-inhibit o ma-disqualify sa pagdedesisyon hinggil sa isyu.


----$$$--


MALAKING bagay ang super landslide win ni Digong bilang mayor ng Davao City na nagpapatunay na kinakatigan siya ng “super majority”.

Sa proseso ng demokratikong gobyerno — ang lahat ng kapangyarihan — ay nagmumula at nag-uugat sa “mayorya” ng mga mamamayan — lalo pa’t ito ay super mayorya.


----$$$--


DAPAT ay iginagalang at hindi sinasapawan ng anumang entidad o ibang bansa -- UN man o ICC — ang kultura, tradisyon at Konstitusyon ng isang bansa.

Ang impluwensya ng “pulitika” sa kaso ni Digong — ay napakalinaw.

Pero, kailangan iyan ay maipaliwanag at maipakipaglaban — gamit ang epektibong argumento ng kanyang mga abogado!


----$$$--


MAAARING nasa tamang posisyon, disposisyon at sitwasyon si Digong — pero kapag palpak ang kanyang mga abogado — maaari pa ring siyang maparusahan.

Malinaw ang argumento — at nakasalalay ito sa kanyang mga abogado — imbes sa mga huwes o judges.


----$$$---


NAIS nang pumagitna o mag-neutral ni PBBM.

Iyan ay napakalaking tama.

----$$$--

SA totoo lang, hindi dapat nakialam si PBBM sa midterm election — nadamay lamang siya sa “kahinaan ng grupo” ng kanyang mga alipores.

Malinaw na natulungan siya ng kanyang Ate Imee sa 2022 presidential election, pero malinaw na hindi niya natulungan, bagkus ay naipahamak pa niya ang kanyang nakatatandang kapatid.


-------$$$--


MAS maganda sana ay nakipagtuwang at nakinig siya sa kanyang Ate Imee, kaysa sa kanyang pinsang buo.

Tapos na ang midterm election, papanipis na ang poder ni PBBM.


----$$$-


UNTI-UNTI nang maglalaho ang impluwensya ni PBBM — dahil patungo siya sa pagbabakasyon gaya nina Digong, at ex-PGMA.

Kung Marcos-at-Marcos ang pag-uusapan — malilipat na kay Sen. Imee ang baton ng kanilang ama na si Ferdinand E. Marcos, Sr.

Hindi siya dapat masira, bagkus siya ay dapat saklolohan ng mga dugong Marcos at mga maka-Marcos!


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page