Ex ni Daniel, ginagamit lang daw, layuan na… SIGAW NG KAMPO: ALDEN, ‘DI KAILANGAN SI KATHRYN!
- BULGAR
- Apr 6, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Abril 6, 2024

Nakakabasa na kami ng mga comments na hindi pabor kay Alden Richards para kay Kathryn Bernardo.
May nag-uutos na layuan ni Alden si Kathryn dahil ginagamit lang daw nito ang kasikatan ni Kathryn.
Sabi pa, itigil ang pagsi-ship kina Alden at Kathryn. May nagsabi namang laos na si Alden, kaya ginagamit nito si Kathryn.
Inalmahan ng mga fans ni Alden ang mga akusasyon ng fans ni Kathryn. Bakit daw gagamitin ni Alden si Kathryn, mayaman siya, maraming negosyo at may career kahit wala ang aktres.
Dagdag pa ng fans ni Alden, si Kathryn ang nag-imbita sa aktor sa birthday bash nito sa El Nido, Palawan at si Kathryn mismo ang nagsabi.
Ang team din ni Kathryn ang naglabas ng videos sa party sa El Nido, at sa post-birthday party na ginawa sa studio ni Kathryn na bigay ng friends ng aktres. Hindi raw naglabas ng videos si Alden, bakit kay Alden sila nagagalit?
Hindi naman lahat galit kay Alden, mas marami pa rin ang kinikilig at may mga pakiusap na ‘wag niyang sasaktan si Kathryn at alagaan niya. May nakiusap pang panindigan ni Alden ang kilig nila.
Wala pang ligawang nangyayari sa dalawa, nagkakagulo na. Paano pa kaya kapag nanligaw na nga si Alden kay Kathryn?
Twice pa lang silang spotted, nagbigay lang ng bouquet of flowers si Alden at birthday gift, nagkakagulo na.
Magkakagulo rin kapag nanligaw sa iba si Alden at kapagnagka-boyfriend ng iba si Kathryn. Pero tama ang ibang fans, ‘wag nilang madaliin ang KathDen na nagsisimula pa lang maging close friends.
Comments