top of page
Search
  • BULGAR

Ex-GF, ‘di affected sa hiwalayan? DOMINIC, SUPER SAD, BEA, PARTY-PARTY LANG

ni Nitz Miralles @Bida | April 23, 2024




May pasilip sa bardagulan nina Bea Alonzo at Carla Abellana sa taping ng Widows’ War at sa video clip na nag-viral, grabe ang fight scene ng dalawa. Ang lalakas nilang manampal at nagsabunutan pa. 


Sa lakas ng dalawa, natumba ‘yung umaawat sa kanila.


Curious tuloy ang mga netizens kung nagkasakitan ba sina Bea at Carla sa eksenang nagpalitan sila ng sampal dahil ang lutong ng tunog. 


Pareho pa namang malakas at malalaki ang mga palad ng dalawa. Gusto na tuloy ng mga Kapuso viewers na mapanood ang GMA series, pero wala pang ina-announce ang network sa airing schedule nito.


Speaking of Bea, pati ang pagdalo nito sa mga parties at mga events na ang latest ay sa homecoming show ni Marina Summers, pinansin ng mga netizens. 


Mabuti raw si Bea at laging may mga events at pasayaw-sayaw pa, samantalang si Dominic Roque, ang feeling ng mga netizens, sobrang lungkot pa rin sa naging ending ng relasyon nila.


Mga comments na mag-move on na si Dominic at maghanap na ng ibang babae na mamahalin at mamahalin din siya nang tunay ang mababasa sa Instagram ng dating aktor. Marami raw siyang makikitang ipapalit kay Bea.


Kaya lang, paano nga naman makakapag-move on si Dominic kung may photos pa ni Bea sa IG (Instagram) niya? Ang dinelete lang nito ay ang Bash account na business ni Bea pero ang photos nilang dalawa, makikita pa rin sa kanyang IG.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page