ERICH, IBINULGAR ANG MGA PINAG-USAPAN NILA NI CHARO
- BULGAR
- Apr 27, 2021
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 27, 2021

Parehong pangarap ng magkaibigang Erich Gonzales at Alora Sasam na makatrabaho ang Maalaala Mo Kaya host na si Ms. Charo Santos-Concio.
Sa latest vlog ni Erich sa kanyang YouTube channel ay si Alora ang guest niya na sobrang na-miss niya dahil matagal na silang hindi nagkikita. Naging close ang dalawa nang magsama sila sa Blood Sisters.
Natanong ni Erich si Alora kung sino pa ang mga artistang gusto nitong makatrabaho at nabanggit ang pangalan ng dating presidente ng ABS-CBN.
At naikuwento ng bida ng La Vida Lena na nakatsikahan niya kamakailan si Ma’am Charo.
“Recently, I spoke to Ma’am Charo (Santos-Concio), na-realize ko, grabe, ibang klaseng experience rin siguro kung makatrabaho mo si Ma’am Charo. We talked about life (and) work, iba! Too much wisdom,” say ng aktres.
Nanlaki naman ang mga mata ni Alora at sabay sabing, “Nabasa ko ‘yung ano niya, Journey niya, ‘yung book niya, nurse pala siya?”
Balik-tanong ni Erich, “Gusto mo rin siyang makatrabaho?”
“Oo naman, ano ka ba! Love triangle (kami), parang World of the Married couple, siya ‘yung doctor, ako ‘yung kabit. Hahahaha!” tumatawang sabi ng komedyana.
Naloka si Erich sa role na gusto ni Alora, sabay tanong kung sino ang leading man.
“Carlo Katigbak. Wahahahaha,” humahagikgik na sagot ni Alora.
“Crush mo si Sir Carlo?” tanong kaagad ni Erich.
“Hindi! Pero iba ‘yung (dating) lalo na nu’ng nasa Congress siya (ABS-CBN franchise hearing). Hi, Sir Carlo, ang sexy ng pagiging (hindi itinuloy),” paglalarawan ni Alora.
Sa pagpapatuloy ng kaibigan ni Erich, “Iba ‘yung talino niya, feeling mo, ang sarap kausap.”
At dito nasabi ni Alora na ayaw niya sa taong boring kausap at gusto niya ay malambing na feeling niya ay ang ganda-ganda niya.





Comments