top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Epekto ng pagkamatay ng magulang sa kasong sinimulan ng anak upang maangkin ang lehitimong katayuan

  • BULGAR
  • Aug 31, 2021
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 31, 2021


Dear Chief Acosta,


Sanggol pa lamang ang aking apo nang siya ay inabandona ng kanyang mga magulang na naitala bilang hindi kasal sa kanyang birth certificate. Natuklasan niya kalaunan na ang kanyang mga magulang ay ikinasal umano bago siya ipinanganak. Nagsampa siya ng kaso upang maangkin ang lehitimong katayuan, ngunit namatay ang kanyang mga magulang habang nakabimbin ang nasabing kaso. Ano ang magiging epekto ng pagkamatay ng kanyang mga magulang sa nabanggit na kaso?Aiko


Dear Aiko,


Ang inyong katanungan ay binigyang-linaw sa Article 173 ng Family Code of the Philippines, kung saan nakasaad ang sumusunod:


“Article 173. The action to claim legitimacy may be brought by the child during his or her lifetime and shall be transmitted to the heirs should the child die during minority or in a state of insanity. In these cases, the heirs shall have a period of five years within which to institute the action.


The action commenced by the child shall survive notwithstanding the death of either or both of the parties. (Binigyang-diin)


Malinaw na sinasabi ng ating batas na ang kaso ng inyong apo upang maangkin ang lehitimong katayuan ay mananatili sa kabila ng pagkamatay ng alinman o parehas ng kanyang mga magulang.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page