Enjoy sa trip ng misis… SEN. CHIZ, TODO-KANTA RIN SA CONCERT NI TAYLOR SWIFT
ni Nitz Miralles @Bida | March 12, 2024

Nanonood ng concert ni Taylor Swift sa Singapore sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. So, from Paris, dumaan muna sa Singapore si Heart at du’n na sila nagtagpo ng mister.
Sa mga videos, kitang nag-enjoy sa concert si Heart at naki-sing-along pa nga.
Ang cute naman ni Chiz na sinabayan pang tumayo si Heart at naki-sing-along din sa four songs ni Taylor Swift na alam niya.
Sabi kasi ni Heart, “He knew 4 songs,” kaya naman pala kumakanta rin ito at ang saya nilang mag-asawa.
Si Heart, parang alam ang karamihan sa mga songs ni Taylor Swift na kasama sa repertoire (playlist) nito.
By now, nakabalik na siguro sa bansa si Heart mula sa Milan Fashion Week at Paris Fashion Week na lahat ng isinuot ay talaga namang pasabog.
Isa sa mga nagustuhan ng mga netizens na kanyang isinuot ay 'yung OOTD niya sa fashion show ng Mugler. Sa mga comments, first time raw ni Heart sa Mugler show and she did not disappoint the fans.
Samantala, waiting na ang mga netizens sa susunod na fashion week na dadaluhan nina Heart at Pia Wurtzbach dahil tiyak na may pagkukumpara ang kani-kanilang mga supporters.
Madalas nga lang, nauuwi sa personalan ang kanilang bardagulan na in fairness, masayang basahin.





Comments