top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ekonomiya, bumubulusok na, Malacañang kampante pa rin?!

Writer: BULGAR
BULGAR
19 hours ago
2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | October 13, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Diretso ang pagbagsak ng ekonomiya.

Bakit, kampante pa rin ang Malacañang?


-----$$$--

Hindi na makakaasa ang ordinaryong Pinoy na maisasalba pa ang ekonomiya, dahil ang El Niño at La Niña ay isang global phenomenon.

Nauunawaan kaya ito ng gobyerno at pribadong sektor?

Hindi na maiiwasan na maging P70 kada palitan sa isang dolyar—pustahan tayo!


-----$$$--

Ang malalaking bansa at higit na maunlad kaysa Pilipinas ay nasa “panic mode,” pero ang mga Pinoy pakuya-kuyakoy lang.

Dalawa lang ang posibleng dahilan:

Una, alam nilang walang solusyon kaya’t “Bathala na, o Bahala na!”

Ikalawa, ay maaring bunga ng kamangmangan, katangahan o kawalan ng kaalaman sa naturalesa ng krisis na ito.


-----$$$--

Nagtataka tayo kung bakit napagdidiskitahan ng matatanda ang kabataan.

Lumang kahon, molde, hulmahan o template ang ginagamit ng gobyerno.


----$$$--

Ang edukasyon, batas at pag-aanalisa sa sitwasyon ay nagmula sa naunang modernisasyon sa Europe o mula Western civilization.

Ito po ay sa nagdaang higit nang 2,000 taon, lipas at na-expired na ito, hindi na ito epektibo ngayon pero ‘yan pa rin ang pundasyon at batayan ng maseselang desisyon.


-----$$$--

Ang lumang konsepto dito ay ang pagkambal ng talino, karunungan o wisdom sa matatanda o mga may edad na, kaysa sa mga kabataan tulad ng mga binatilyo, liyebo-beinte o liyebo-trenta.

Gustong palabasin at isinisiksik na ang “mga kabataan ay mangmang at walang muwang.”

Isang maling konsepto na nakabatay sa sinaunang paniniwala.


----$$$--

Mas matatalino ngayon ang mga kabataan kaysa sa mga matatanda dahil sa teknolohiya na “mangmang” at bopol ang mga matatanda.

Imbes na pagbawalan ang mga kabataan na gumamit ng gadgets at social media mas dapat na i-encourage sila at  mamulat.


-----$$$--

Sa paghahari ng AI sa buong mundo, hindi ito kayang unawain  ng mga matatanda, tanging ang mga kabataan lamang ang pwedeng dumaig at mag-neutralised nito.

Bukod d’yan, walang bahid ng corruption ang mga kabataan, kumpara sa mga makasarili, mandarambong at tulisan sa pondo ng pamahalaan.


------$$$--

Ang mga kabataan ang dapat mamuno sa gobyerno at maging sa pribadong sektor upang masugpo ang malawakan, sistematiko at orkestradong pagnanakaw sa pamahalaan at panloloko ng pribadong sektor.

Bigyan-daan natin ngayon pa lamang ang mga kabataan, ipagbawal ang matatanda na humawak ng tungkulin sa gobyerno dahil ang kanilang karanasan ay naghahasik ng korupsyon at katiwalian.


-----$$$--

Sa panahon ng rebolusyon, walang matatanda na namuno sa pag-agaw sa poder maliban kay Tandang Sora na nagkasya sa paggamot at pagluluto ng pagkain.

Nakahanda ang mga kabataan na ibuwis ang buhay para sa pagbabago ng Lipunan, magagawa ba iyan ng mga duwag na buwayang kumokontrol sa resulta ng halalan gamit ang kinukurakot na “campaign fund?”





Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page