Ebidensiya, inilabas sa socmed… CHITO, IBINULGAR NA INALOK NI ANGEL NA TUMIRA SA BAHAY NILA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 04, 2021

Malapit sa Bulkang Taal ang bahay ng frontman ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at ng misis na si Neri Naig kasama ang anak nilang si Miggy at iba pa.
Inalala si Chito ng kanyang mahigit isang dekada nang kaibigan na si Angel Locsin at nag-offer ito ng tulong na bukas ang bahay niya para sa kanila.
Ipinost ni Chito ang message sa kanya ni Angel at ang caption, “Napakabait lang talaga nitong tao na 'to. Mula dati, hanggang ngayon...sobra talaga.”
Ang message ng aktres, “Chito! May kuwarto kayo dito nila Neri at Miggy at kung sino pa ang kasama n’yo sa house, ha? Anytime puwede kayo rito. Mabuti iwas muna kayo at unpredictable pa ‘yung Taal (volcano) plus ‘yung smog.”

Say naman ni Chito, “Oks kami dito. May shoot kami resthouse. Pero salamat sa pag-alala.”
Inakala namin na gumagawa ng bagong music video si Chito, ‘yun pala ay para sa KUMU.
Pambubuking ni Angel, “Bored ka tsong??? lol nakatutok na mga camera tapos diretso kanta ka na sa kumu lol.”
“@therealangellocsin tumatanggap din ako ng Gcash at Lyka,” sagot ni Chito sa kaibigan.
Sumali na rin sa usapan si Neil Arce na fiancé ni Angel, “Hindi libre 'yan kelangan daw kanta ka gabi-gabi.”
Say ni Chito, “@neil_arce tapos hindi pwede videoke...kelangan live band.”
O, 'di ba, nakita ng mga netizens kung paano magkulitan ang magkakaibigan.
Anyway, napuri si Angel ng netizen na si @gaelbp14, “@therealangellocsin ANGHEL.”
Gayun din si @iamaeevangelista, “@therealangellocsin Baka po puwede din ako makikuwarto, hahahaha. I really admire you. My childhood dream is makita ka lang nang personal, kaso 25 na ako 'di pa din kita nakikita. Sa dami ng artista na nakita ko, ikaw pa din ang pinapangarap kong makita. Hay, I love you, Miss Angel. Sana ma-notice mo po ako.
Hirit din ni @thelai93, “@iamaeevangelista we have the same childhood dream, 28 na ako pero umaasa pa din.”
Ayon kay @chriszeavelle02, “@chitomirandajr 'yung na-touch ako sa post mo at indeed naman talaga kabaitan ni @therealangellocsin tapos biglang ganyan sasabihin mo. Tawa ako bigla, eh.”
Samantala, hindi nga apektado ng Bulkang Taal sina Chito at Neri dahil nagawa pa nilang mag-takeout ng breakfast sa famous restaurant sa Tagaytay.
Ang caption ng larawang ipinost ni Chito na nasa harapan sila ng Antonio’s: “Breakfast at Antonio's. Pero take out lang... bawal buntis, eh.
“Sarap lang talaga dito sa lugar namin. Feeling ko, para akong nagbabakasyon tuwing gumigising ako.”





Comments