Eala abante sa Mubadala semis, matapos talunin si Svitolina
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
by Info @Sports News | August 1, 2026

Photo: Alex Eala at Elina Svitolina / WTA
Niyanig ng Pinay tennis prodigy na si Alex Eala ang hard court matapos patumbahin ang world No. 10 na si Elina Svitolina sa straight sets, 6-3, 6-4, upang umabante sa semifinals ng Mubadala DC Open.
Ang pambihirang tagumpay na ito ay nagmarka rin ng ikaanim na panalo ni Eala laban sa isang Top 10 player ngayong taon, at susunod niyang makakaharap si dating world No. 1 Naomi Osaka.
Mubadala q'finals: Eala vs. Svitolina sa rematch
Makakaharap ni Filipina tennis star Alex Eala ang No. 2 seed na si Elina Svitolina sa quarterfinals ng 2026 Mubadala DC Open sa Rock Creek Park, Washington, D.C.
Kasunod ito ng impresibong laro ni Eala sa nagdaan niyang matches kontra 2024 Olympic champion Zheng Qinwen at defending 2025 DC Open champion Leylah Fernandez.
Gaganapin ang quarterfinals match ngayong Sabado ng umaga at nakatakda ang isang blockbuster rematch laban sa dating World No. 3 at kasalukuyang World No. 10 na si Svitolina. Sa huling pagkakataon na nagkita sila, ginulat ni Eala si Svitolina sa pamamagitan ng isang 6-3, 6-4 na tagumpay sa Berlin Open quarterfinals, isang malaking tagumpay na nagtulak sa Pilipina sa semifinals. Magagawa kaya ito muli ni Alex at makapag-book ng isa pang semifinal appearance?
Kagagaling lang niya sa kanyang nakamamanghang comeback victory laban sa defending champion na si Fernandez, ibinaling na ngayon ng world No. 28 ang kanyang atensyon sa isang mas malaking hamon.
Ang rematch ay nangyari mahigit isang buwan matapos talunin ni Eala si Svitolina sa quarterfinals ng Berlin Tennis Open, kung saan nakamit ng Pilipina ang isa sa pinakamalaking panalo sa bisa ng 6-3, 6-4 na tagumpay laban sa Ukrainian star.
Kasabay ng kumpiyansa, hangad ni Eala ang pangalawang sunod na tagumpay laban sa isang kalaban na nasa Top 10 at makalusot sa Mubadala DC Open semifinals. Dahil sa kanyang momentum, layunin ni Eala na ipagpatuloy ang pangarap na pagtakbo sa WTA Tour. (MC)





Comments