top of page
BIDA - SARAH, NAMAMAGA NA ANG MUKHA, OBYUS NA BUNTIS_FB Sarah Geronimo.jpeg
Search

by Gerard Arce @Sports News | November 5, 2026



Eala dedma sa knee injury, mas tututok vs. Valentova

Photo: Circulated



Maliit na bagay para kay World No.17 Alexandra “Alex” Eala ang pananakit ng  tuhod sa pakikipagtapat muli sa mas batang Czechian na si Tereza Valentova sa Round of 16 ngayong hapon kasunod ng straight set na panalo kay Australian Emerson Jones sa pambungad na hatawan sa Prudential Hong Kong Tennis Open sa Hong Kong, China.


Nagtagumpay si Eala sa 6-4, 6-3 laban sa 18-anyos na Australian na  kapalit ni Alycia Parks ng US sa round of 32 dulot ng injury ata nagbigay-daan kontra sa world No. 84 mula Czech Republic. Aminado si Eala na mabigat ang kakaharaping pagsubok kontra Valentova.


“I think we’ve had, well, I’ve had very tough matches against her in the past. I think she’s proven to be a really good player, not just against me, but she’s played really well,” wika ni Eala patungkol sa rekord ni Valentova. “It should be a good challenge for me, like every match. All I can do is do my best to prepare, and when I’m out there, fight with everything I have.”


Patungkol naman sa iniindang sakit sa kanang tuhod, “Yeah, I’m feeling good. I think you know it’s the end of the year. So, nothing out of the ordinary, you know, and I’m healthy. I’m happy, super blessed.”

 
 

by Gerard Arce @Sports News | November 3, 2026



Alex Eala - IG

Photo: Alex Eala - IG


          

Umakyat sa pinakamataas na ranggo sa kanyang karera si Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala ng makatuntong sa World No. 17 upang maging kauna-unahang Pinoy at manlalaro mula sa Southeast Asia sa kasaysayan ng Women’s Tennis Association (WTA).


Matapos sumirit sa World No. 18 noong Agosto at bahagyang bumaba ng isang baytang sa No. 19, umarangkada ng 2 talon ang 21-anyos na lefty swinger upang makamit ang pinakamataas na puwesto kasunod ng quarterfinal finish sa katatapos lang na 2026 Pan Pacific Toray Open kontra eventual titlist Diana Shnaider ng Russia sa 6-2, 6-7 (5), 4-6.


Nakakuha ang two-time WTA 125 at WTA 500 Washington titlist ng kabuuang 2289 puntos, habang si Filipina-Canadian Leylah Fernandez ay tumalon ng 5 puwesto para sa No. 18, habang ang Russian player na si Shnaider ay umangat ng dalawa sa World No. 11 kasunod ng kampeonato sa Japan Open.


Unti-unting iniahon ng 5-foot-9 mula Quezon City ang posisyon sa world rankings na matatandaang nagsimula lang sa 2025 season sa World No. 168 sa rankings. Matapos ang mahigit isang taon ay lubusan ang pagtalon nito sa Top-20, at maaring magbago ng ilang puwesto sa pagtatapos ng season sa paglahok sa Prudential Hong Kong Tennis Open.

 
 

by Gerard Arce @Sports News | October 26, 2026



Alex Eala - IG

Photo: Alex Eala - IG


 

Muling masusubok ang katatagan ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala kontra sa low-ranking na katunggali na si World No. 308 Mika Stojsavljecic ng Great Britain sa kampanya sa round of 32 ng WTA 500 Toray Pan Pacific Open sa Ariake Tennis Forest Park sa Ariake, Koto-ku, Tokyo, Japan.


Kasunod ng mga hindi magandang resulta sa Asian Swing para sa 21-anyos na lefty, na hawak ang eight seed sa torneo, nakatuon ang pansin ng World No. 20 na makaharap muli ang isang mababang ranggo na manlalaro.


Bagaman nalampasan si World No. 32 Diane Parry ng France sa first round ng WTA 500 Ningbo International Tennis Open, napatalsik naman ito sa second round kay World No.13 Diana Schnaider, habang nananatiling naghahanap ng mas mataas na puwesto sapul ng 2026 US Open at mapagwagian ang WTA 500 Mubadala Citi DC Open nitong Agosto.


Patuloy na hinahanap ng kanyang mga tagahanga ang mga birada ng two-time WTA 125 titlist matapos daigin ng mga low-ranked players sa huling nagdaang torneo. Nabigo si Eala kay World No. 117 Russian Tatiana Prozorova sa Singapore Open, na sinundan ng pagkatalo sa semifinals kay World No. 91 Wang Xiyu ng China sa 20th Asian Games, habang pinadapa ni World No. 217 Han Shi ng China sa Wuhan Open.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page