top of page
Search

by Gerard Arce @Sports News | April 25, 2026



Alex Eala - Instagram

Photo: Alex Eala - Instagram



Matapos ang matagumpay na singles match ay sinegundahan ito ng panibagong tagumpay ni Filipina tennis star Aleandra “Alex” Eala sa women’s doubles kaagapay si Turkish Zeynep Sönmez sa 6-2, 6-2 kontra Chan Hao-Ching ng Chinese Taipei at Fanny Stollar ng Hungary sa 2026 Madrid Open sa Caja Magica sa Manzanares Park, San Fermín, Spain.


Dumiretso sa round-of-16 ang Filipino-Turkish tandem matapos malasap ang 0-2 simula, ngunit hindi na mapigilan sapul nito ang pares nina Eala at Sönmez.


Nagawang mabitbit nina Eala at Sönmez ang momentum sa second set na patuloy na diktahan ang laro laban sa No. 38 at No.23 sa doubles na sina Chan at Stollar.


Bumanat agad ng maagang 4-0 iskor ang Filipino-Turkish duo, bago nakakuha ng unang puntos ang Taiwanese-Hungarian tandem sa 4-1.


Nakabuslo muli ng panalo sa 6th game sina Eala at Sönmez bitbit ang mas magana at matatag na enerhiya para patulot na pataubin ang katunggali sa 5-1 iskor, habang sumagot muli ng panalo sa seventh game ang sina Chan at Stollar, bago tuluyang tapusin ito sa 6-2.


Nakatakdang makatapat ng dalawa sina doubles No.2 ranked Katerina Siniakova ng Czech Republic at No.5 ranked Taylor Townsend ng US. 




 
 

ni Dominic Santos @Sports News | March 30, 2025



Alex Eala

Photo: IG @Alex Eala



Alex in Rank No. 45!


Bumagsak sa ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) si Pinay tennis player Alex Eala matapos ang kanyang naging kampanya sa Miami Open 2026.


Sa kasalukuyan, nasa ika-45 na si Eala mula sa kanyang All-time best na world rank no. 29.


Samantala, patuloy naman ang paghahanda ni Eala para sumabak sa Upper Austria Ladies Linz na magsisimula sa Abril 6 at matatapos sa Abril 12.

 
 

by Gerard Arce @Sports News | March 28, 2026



Alex Eala - Instagram

Photo: Alex Eala - Instagram


Hindi na mapigilan ang pag-angat ng karera ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala, ngunit mas mapapalawig pa nito ang  estado sa pandaigdigang kompetisyon kung pag-iibayuhin pa arsenal tulad ng services matapos makita ang kakulangan nito sa mga nagdaang torneo.


Nakatakdang sumabak si Eala sa kauna-unahang clay tourney sa WTA 500 Linz Open sa Upper Austria Ladies Linz simula Abril 6 hanggang 12.


Napansin ng mga tanyag na tennis players na sina Tennis legend Martina Navratilova, na may hawak ng 18-time Grand Slam winner, kabilang ang siyam sa prestihiyosong Wimbledon at dating men’s World No.1 at 15-time singles titlists Greg Rusedski na kinukulang sa abilidad ng service ang 20-anyos na left-handed. 

 

Eala is getting into the later stages of tournaments, but once she gets there, she’s getting beaten in pretty one-sided matches,” wika ni Rusedski. “I think she needs to improve the serve. The serve, you know, gets you on the front foot from the start and she’s gonna need to get physically stronger. You know, she’s got to get more time in the gym, build up the muscles, get a little bit quicker. Then she’ll start hitting the ball harder.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page