top of page
Herlene Budol - IG.jpg

Hopkins pasok sa q'finals ng World Surf League Siargao

Writer: BULGAR
BULGAR
23 hours ago
1 min read

by MC @Sports News | November 1, 2026



Hopkins pasok sa q'finals ng World Surf League Siargao

Photo: Circulated



Isang magarang pagbabalik tikas ang nagawa ni World No. 14 Yolanda Hopkins nang talunin niya ang World No. 3 Gabriela Bryan upang makapasok sa quarterfinals ng kauna-unahang World Surf League (WSL) Championship Tour Philippines Pro sa iconic na Cloud 9 reef break sa Siargao island.   


Nagtagumpay si Hopkins sa Heat 2 ng kompetisyon sa iskor na 10.10 mula sa pinagsamang 5.27 at 4.83 at tapyasin ang mataas na ranggo ng Amerikano para sa quarterfinal showdown kay World No. 6 Caitlin Simmers sa surfing event ng Philippine Sports Commission (PSC), sa suporta ng pamunuan Surigao del Norte. 


Si Bryan ay 9th place sa 7.00, mula sa scores na 4.00 at 3.00. Ang kompetisyon ay naganap sa 4 hanggang 6 na talampakang alon, na nagbigay sa pinakamahuhusay na surfer sa mundo ng mga hamon sa mga kondisyon ng alon upang maipakita ang  mga kasanayan.


Nakapasok sa quarterfinals si Simmers kontra World No. 11 na si Caroline Marks sa unang round. Nagtala si Simmers ng kahanga-hangang 15.17 sa 9.00 at 6.17. “Honestly, I keep telling people it's one of my favorite waves on the planet because it's just really tight, and you kind of have to do some exciting things in the spaces you get. It's pretty hard to just do your stock-standard couple of turns on it,” sabi ni Simmers.


Ipinaliwanag ng Amerikano na ang Cloud 9 ay nangangailangan ng creativity  at tumpak na tiyempo, dahil ang pabago-bagong mga alon nito ay dapat na mapagtagumpayan ng surfers at madiskartehan habang isinasagawa ang mapanghamong maniobra. Ang kaganapan ay sinusuportahan din ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page