Martin dinurog si Picasso, WBC Featherweight King

by Gerard Arce @Sports News | November 2, 2026

Photo: Si Carl Jammes Martin sa kanyang laban kay David Picasso sa The Venue sa Riyadh, Saudi Arabia. (Mark Robinson / Canelo Promotions)
Nanatiling kalmado at nakatutok sa gitna ng tinamong 7th round knockdown si Filipino rising boxer Carl Jammes “Wonderboy” Martin upang mapanatiling undefeated at maagaw ang World Boxing Council Silver Featherweight title belt sa dating world title challenger Alan David Picasso ng Mexico sa bisa ng 10-round split decision kahapon ng madaling araw (oras sa Pilipinas) bilang bahagi ng Mexico Vs. The World undercard match na ginanap sa Kingdom Arena sa Riyadh, Saudi Arabia.
“Just be patient. I know, Picasso is a great fighter. They said, just be patient. Wait for him, don’t be aggressive,” pahayag ng 27-anyos na southpaw sa post-fight interview kasunod ng pagpabor ng mga huradong sina Jorge Luciano Gorin isa 95-94, at Barry Lindenman sa 96-93 para ihatid sa tagumpay ang Pinoy, na hindi naiwasang mapahiga sa sahig matapos ideklara ang pagkapanalo. “I want to thanked God, my team, Ifugao, and to all the Filipino supporters.”
“I learn a lot in the US and I trained so much, find someone to spar with some of the great fighters in the US, but this is it, I already won the WBC title, and so much I appreciate this one.”
Makokonsiderang isang malaking upset ang nakuhang panalo ng tubong Lagawe, Ifugao na ikaapat na beses pa lamang lumalaban sa labas ng bansa, habang ikaapat ding Mehikano na tinalo, kabilang ang dalawang laban sa Mexico.
Dahil sa panalo ay umangat sa 29-0 (win-loss) kartada kasama ang 21 knockouts para kay Martin na naunang unaming babalik sa super-bantamweight division.
“I’m not scared of anybody,” bulalas ni Martin kasunod ng pagbibigay ng pagpayag na magkaroon ng rematch kay Picasso matapos hilingin matapos ang laban.





Comments