Dyowang pulitiko, pamilyado raw… IVANA, TINAWAG NA KABIT
ni Beth Gelena @Bulgary | February 8, 2024

Hot item ngayon si Ivana Alawi dahil may blind item na nali-link ang kanyang pangalan sa isang pulitiko.
Hindi ito ang unang beses na nadawit ang pangalan ni Ivana sa isang pulitiko.
Pinayuhan naman ni Ogie Diaz ang sexy star na iklaro ang isyu lalo na kung wala naman itong katotohanan.
Pinag-usapan sa programang Showbiz Update ang tungkol sa aktres.
Ang hindi maganda sa isyung ito, may asawa't anak ang pulitikong iniuugnay kay Ivana.
Sinabi umano ng naturang pulitiko na hiwalay na sila ng asawa.
Taliwas naman ito sa ibinigay na pahayag ng kanyang misis na tila walang ideya sa sinasabi ng pulitiko.
Inaakusahan tuloy ngayon ang sexy actress na "mistress" and "homewrecker".
Ani Ogie Diaz, "Mahirap naman na husgahan natin si Ivana. Kailangan, si Ivana rin ang sumagot niyan. Paano niya lilinawin 'yan, kung siya nga 'yung tinutukoy?" ani Ogie.
"Kung 'di naman siya, please disregard the previous message."
"Itong mga isyung ito, dapat ay linawin ni Ivana. Sa ganda ng kanyang income, sa ganda ng kanyang career, eh, bakit kailangan pang sumuot dito? Kung siya nga 'yung tinutukoy, ah."
"Kasi parang siya 'yung itinuturo, eh. Sana, hindi ito totoo," giit ni Ogie.
"Siyempre, tayo ay nagbabalita lang dito at tayo, eh, ipinapasa lang kay Ivana. Kahit walang tinutukoy dito sa article o sa mga naglalabasan, pero may mga comments na siya 'yung itinuturo na pasok na pasok sa clue."
Dahil dito, hinihimok din niya si Ivana na iklaro ang mga espekulasyong ito lalo na kung wala namang katotohanan ang mga bagay na ito.





Comments