Duterte siblings, tablado... Petisyon vs. pag-aresto kay Digong, ibinasura ng SC

by Jeff Tumbado @News | November 25, 2026

Photo: Rodrigo Duterte / ICC
Ibinasura ng Korte Suprema (SC) ang pinagsama-samang petisyon para sa writ of habeas corpus na inihain ng magkakapatid na Duterte kaugnay ng pag-aresto sa kanilang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Idineklara ng SC na moot and academic na ang mga petisyon dahil nasa kustodiya na ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands si Duterte.
Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, ibinasura ng SC En Banc ang mga petisyong inihain nina Sebastian, Veronica at Paolo Duterte sa botong 9-4.





Comments