by Info @News | September 23, 2025

Photo: International Criminal Court (ICC)
Pormal nang naghain ng three counts of murder ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Iniugnay ng ICC si Duterte sa hindi bababa sa 78 biktima na pinatay o na-target noong panahon niya bilang alkalde at bilang presidente.
Sa unang count, nakapaloob ang patayan sa Davao City kung saan 19 ang biktima sa pagka-alkalde ni Duterte.
Kabilang naman sa ikalawang count ang pagpatay sa 14 na itinuturing na “high-value targets” sa kanyang termino bilang Pangulo sa pagitan ng taong 2016 at 2017.
Nasa ikatlong count nakapaloob ang murders at attempted murders sa mga barangay clearance operation kung saan 45 ang biktima mula 2016 hanggang 2018.
Sa “Document Containing the Charges”, sinabi ng ICC na si Duterte ay criminally responsible bilang isang indirect co-perpetrator, o sa pamamagitan ng pag-uutos, pag-uudyok, at pagtulong at pagsang-ayon sa isang "common plan" na isinasagawa ng mga awtoridad ng estado at mga miyembro ng tinatawag na Davao Death Squad.
Nakatakda sanang gawin ngayong Martes, Setyembre 23, ang confirmation of hearing charges laban kay Duterte pero ipinagpaliban ito matapos igiit ng kampo nito na wala siya sa tamang kalagayan para sumailalim sa trial.






