top of page
Search

by Info @News | October 18, 2025



Rodrigo Duterte sa ICC

Photo: FPRRD sa ICC



Ipinag-utos ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I na sumailalim sa medical examination si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang matukoy kung ito ay “fit to stand trial” o nasa maayos na kalusugan para humarap sa mga paglilitis.


Inatasan ng Chamber ang Registry na magsagawa ng medikal na pagsusuri at isumite ang buong rekord ng dating Pangulo sa panel ng tatlong independent medical experts — isang forensic psychiatrist, neuropsychologist, at geriatric and behavioral neurologist.


Susuriin ng mga ito si Duterte kung dumaranas ito ng anumang kondisyong medikal na maaaring makaapekto sa kanyang paglahok sa nagpapatuloy na pre-trial phase at ang pagkumpirma ng mga kaso.


Inaasahan din silang magrekomenda ng anumang mga espesyal na hakbang na kailangan upang mapaunlakan ang kanyang posibleng kondisyon sa panahon ng paglilitis bilang bahagi ng "fair trial rights" para sa dating pinuno ng Pilipinas.


Itinakda naman ang paghahain ng joint o individual record sa Registry bago ang Oktubre 31.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | October 12, 2025



Richard Poon - IG

Photo: Richard Poon - IG



Inulan ng batikos ang Filipino-Chinese singer-songwriter na si Richard Poon sa post ng isang restaurant sa Marikina City kung saan nakatakdang mag-show ang tinaguriang “The Philippines’ Big Band Crooner”.


Hindi pa rin pala tinatantanan ng mga bashers si Richard sa pag-endorso niya kay former President Rodrigo Duterte nu’ng tumakbong pangulo. 


Sa madaling salita, isang DDS (diehard Duterte supporter) si Richard.

Sey ng mga netizens…

“A Big NO to DDS!!"

“Hell no. DDS ‘to si Poon.”

“Kulto = Poon.”


Pero may mga nagtanggol naman kay Richard at sey ng fan, “The guy is brilliant and talented. To hell with politics.”


Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pangungutya kay Richard sa pagiging DDS.

“Bring him home? Nope!”


Hindi ito pinalampas ni Richard at sinagot niya ang isang komento.

Reply ni Richard, “Hi! Michael ****, sadly no, I wear a black full suit with white inner when I play music for Senior Citizens.”


Isa pang comment-post ang pinatulan ni Richard.

Comment ng netizen, “Kaya pala ‘di na nakikita sa ASAP, DDS pala! Idol ko ‘to, eh, manonood sana ako sa gig n’ya, kaso nu’ng nabasa ko mga comments, nawalan na ako ng gana. Sa isang iglap naging DEMONYO na rin ang tingin ko sa maamong mukha n’ya! Magagaya rin ito kay Jimmy Bondoc, lalangawin ang mga concerts at gigs.”


Reply ni Richard sa netizen, “Naging demonyo na tingin mo sa mukha ko? Because I do not subscribe to your preferred political beliefs?”


Pati ang eskuwelahan na pinasukan ni Richard ay nalait.

Sey ng isang netizen, “La Salle nag-aral pero DDS. Sayang ang tuition fee.”

Of course, sumagot ulit si Richard, “Sayang ang tuition fee? I don’t believe I need to demonize my deceased father’s hard-earned money to send me to school just because I don’t subscribe to your political beliefs.


“And all DLSU graduates should have your same political beliefs in order to justify tuition fees? I think not. Stay healthy & safe,” sabi ni Richard Poon.

Oh, ‘di ba?



SPOTTED namin si Enrique Gil na palabuy-laboy sa sinehan sa Shangri-La EDSA kung saan ginaganap ang Cinemalaya.


Ewan ba namin kung bakit tila gustong itago ng aktor ang kanyang mukha sa mga tao roon. Nakasuot kasi siya ng sumbrero na nakababa na halos matakpan na ang kanyang mga mata. Tila ayaw niyang makilala o mabati ng mga tao.

Mabuti na lang at hindi naman ganoon karami ang tao na nagpunta sa Cinemalaya event kaya mabibilang lang talaga sa mga daliri ang nakapansin kay Enrique. 


Although, hindi rin siya ganoon ka-welcoming sa mga bumabati sa kanya. Paglampas at paglingon namin muli kay Enrique, naglaho na siyang parang bula habang kami naman ay pumasok na sa loob ng Cinema 2 ng Shangri-La para makinig sa book reading ng dalawang bagong libro ng National Artist for Film na si Ricky Lee.


Ang dalawang bagong libro ni Sir Ricky ay ang Pinilakang Tabing at Agaw-Tingin (Koleksyon ng non-fiction ni Ricky Lee).


Ang mga batikang direktor ang mga nagbasa ng excerpts sa mga libro ni Sir Ricky. Una na d’yan ang box-office director na si Erik Matti na sinundan nina Jerrold Tarog, Paolo Villaluna, Zig Dulay, Jade Castro, Carlitos Siguion-Reyna, Laurice Guillen atbp..


Hindi nakarating ang iba pang directors na inimbita para sa book reading gaya nina Cathy Garcia-Sampana at Joel Lamangan.


Nakahabol at nag-perform naman si Karylle kasama ang dalawang Tawag ng Tanghalan (TNT) champions. Pinilit talaga niyang makahabol mula sa live episode ng It’s Showtime (IS) at sa taping nito. Hindi agad nakaalis si Karylle sa taping dahil umupo pa siya bilang isa sa mga hurado sa TNT.


Anyway, tama si Sir Ricky when he said na mas mahusay ang pagbabasa sa mga linya sa kanyang libro ng mga direktor kaysa sa mga artista sa mga nakalipas niyang book reading events.

Agree kami d’yan.


 
 

by Info @News | September 23, 2025



Kiko, Bam a Leila

Photo: International Criminal Court (ICC)



Pormal nang naghain ng three counts of murder ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Iniugnay ng ICC si Duterte sa hindi bababa sa 78 biktima na pinatay o na-target noong panahon niya bilang alkalde at bilang presidente.


Sa unang count, nakapaloob ang patayan sa Davao City kung saan 19 ang biktima sa pagka-alkalde ni Duterte.


Kabilang naman sa ikalawang count ang pagpatay sa 14 na itinuturing na “high-value targets” sa kanyang termino bilang Pangulo sa pagitan ng taong 2016 at 2017.


Nasa ikatlong count nakapaloob ang murders at attempted murders sa mga barangay clearance operation kung saan 45 ang biktima mula 2016 hanggang 2018.


Sa “Document Containing the Charges”, sinabi ng ICC na si Duterte ay criminally responsible bilang isang indirect co-perpetrator, o sa pamamagitan ng pag-uutos, pag-uudyok, at pagtulong at pagsang-ayon sa isang "common plan" na isinasagawa ng mga awtoridad ng estado at mga miyembro ng tinatawag na Davao Death Squad.


Nakatakda sanang gawin ngayong Martes, Setyembre 23, ang confirmation of hearing charges laban kay Duterte pero ipinagpaliban ito matapos igiit ng kampo nito na wala siya sa tamang kalagayan para sumailalim sa trial.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page