top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

DONNALYN, IPINAPAUBAYA NA SI JM SA IBA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 30, 2023



Kinantiyawan si Donnalyn Bartolome ng isang netizen na si Mavvy Atienza Satira sa Instagram account ni JM de Guzman, "Puwede bang si JM na lang ibigay mo?"


Sagot ng actress/singer/vlogger, "Tinry ko na po ipaubaya siya sa iba... pero nagagalit po siya, ihhh, iba na lang hingiin mo sisss."


Kinilig naman ang million followers ni girl.


Sey ng mga netizens, "Gosh, I can only imagine 'pag nag-break sila, baka ano na naman ang mangyari kay JM. Grabe siyang magmahal, eh. Eh, 'di ba, nu'ng nag-break sila ni Jessy (Mendiola), eh, ayun."


"Hahaha! Ako rin, kinilig sa kanila! Sana, maging sila na and 'di pang-promo lang."


Parang bitter naman ang isang ito, "Hindi sila nakakakilig, sa totoo lang. Mas kinikilig pa ako kina Heaven (Peralejo) at Marco (Gallo). Hihi!"


"Ilang months kaya ito?"


"Sounds very jologs pala 'tong si ate girl. Bakit ang dami niyang followers?"


"So brave ng mga babaeng susugal dito kay guy knowing what he’s capable of doing kapag hindi maganda naging outcome ng relationship nila."


"Feeling ko, bagay sila. Parehong possessive, eh. Alam mo 'yun, todo-bigay sa partner kahit ubos na, bigay pa rin nang bigay."


"Bet ko si JM pero sobrang PBB teens thing ginagawa nila ni Donnalyn."


"JM, pakipaubaya na nga 'tong si Donnalyn."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page