DOH, unahin muna ang mga public hospital bago magbigay ng pera sa WHO
- BULGAR

- Jun 5
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 5, 2026

DAMING PUBLIC HOSPITALS ANG KULANG SA KAGAMITAN, TAPOS ANG DOH NAGYABANG PA, NAG-DONATE NG $10M SA WHO – Sablay ang naging desisyon ng Department of Health (DOH) na magbigay ng $10 milyong donasyon sa World Health Organization (WHO).
Mantakin n’yo, marami pa ring pampublikong ospital sa bansa ang hirap makapagbigay ng maayos na serbisyo dahil sa kakulangan ng mga kagamitan, pasilidad, at iba pang pangangailangan ng mga pasyente. Sa kabila nito, inaprubahan pa umano ni DOH Secretary Ted Herbosa ang pagbibigay ng $10 milyon sa WHO. Pwe!
XXX
DAPAT PUMAGITNA NA ANG SC, IANUNSYO NA NILA ANG 'FORTHWITH' KUNG SINO KINA CAYETANO AT GATCHALIAN ANG HEAD NGAYON NG SENADO – Nag-aagawan ngayon sa liderato ng Senado sina Sen. Alan Cayetano at Sen. Sherwin Gatchalian.
Ayon kay Cayetano, siya pa rin ang Senate President, habang iginiit naman ni Gatchalian na siya ang Senate President Pro Tempore at Acting Senate President.
Walang ibang makalulutas sa sigalot na ito kundi ang Supreme Court (SC), kaya dapat nang agad na pumagitna ang Korte Suprema at magpasya kung sino ang tunay na namumuno sa Senado upang matigil na ang bangayan sa kapulungan. Period!
XXX
DAHIL SA PAGLIPAT SA KAMPO NI SEN. GATCHALIAN, BINASH NANG TODO NG MGA DDS SA SOCMED SI SEN. ESCUDERO – Matapos sumama sa kampo ni Sen. Gatchalian, pinutakte ng batikos ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) si Sen. Chiz Escudero.
Mababatikos talaga si Sen. Chiz dahil mula sa kampo ni Cayetano ay lumipat siya sa kampo ni Gatchalian. Dahil dito, todo ang pangba-bash sa kanya ng mga DDS sa social media.
XXX
DAPAT PABANTAYAN NI IMMIGRATION COMM. VIADO ANG MGA BACKDOOR SA ‘PINAS PARA HINDI MAKALABAS NG BANSA SI CONG. ROMUALDEZ – Matapos ibasura ng Sandiganbayan ang hirit ni Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez na ipawalang-bisa ang inilabas laban sa kanya na Precautionary Hold Departure Order (PHDO), ang dapat gawin ngayon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jose Anthony Viado ay higpitan ang pagbabantay sa mga backdoor ng bansa.
Kapag mahigpit na nabantayan ang mga backdoor, siguradong hindi na makakalabas ng bansa si Cong. Romualdez na nasasangkot sa multi-bilyong pisong flood control scandal. Period!




Comments