Doc Hayden, todo-sulsol… DRA. BELO, TUTOL NA MAGPAKASAL NA SINA BIANCA AT RURU
- BULGAR

- Sep 3, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | September 3, 2020

Magkaiba ang payo ni Dra. Vicki Belo at ng asawang si Dr. Hayden Kho sa magsyotang Ruru Madrid at Bianca Umali. Nag-comment kasi si Ruru ng “Pinakamagandang dalaga sa 'king mata” sa photo ng GF na totoo namang maganda.
Nag-comment si Doc Hayden ng “@rurumadrid Naks!! Take the next step na bro!!” na ang ibig sabihin ay magpakasal na ang dalawa.
Pero, kumontra si Dra. Vicki na ang sabi, “No, no, enjoy the romance. You guys are so young.”
Siguro naman, mas pakikinggan at mas paniniwalaan nina Ruru at Bianca si Dra. Vicki dahil bukod sa mga bata pa sila para magpakasal, may career pa silang dapat i-prioritize.
Saka, kung may ipon man ang dalawa, nabawasan na tiyak ngayong panahon ng pandemic dahil natigil sila sa trabaho at bumalik man, via Zoom naman at may iba pang trabaho na totally, nag-stop.
Pati ang taping ni Bianca ng Legal Wives, hindi natuloy at baka next year na raw ito umere. Ganu’n din tiyak ang mangyayari sa pagbibidahan ni Ruru na Lolong, sa 2021 na malamang matuloy.
Ang importante, solid ang relasyon nila, so much in love sila sa isa’t isa, tanggap ang bawat isa ng kani-kanyang pamilya at hindi na problema ang pagkakaiba ng religion. Nagpadoktrina na raw kasi sa Iglesia ni Cristo si Bianca.








Comments