‘Di raw sapat ang love lang… SAM, UMAMING NAWALA ANG TIWALA AT RESPETO SA KANILA NI RHIAN KAYA NAGHIWALAY
- BULGAR

- 2 hours ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 23, 2026

Photo: FB Sam SV Verzosa
For the first time ay nagsalita na ang entrepreneur-TV host na si Sam “SV” Verzosa sa naging dahilan ng hiwalayan nila ng long-time girlfriend na si Rhian Ramos sa kanyang guesting kahapon, Lunes, sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sa simula pa lang, idiniin na ni Sam na ito na ang first and last time niyang magsasalita tungkol sa nangyari sa relasyon nila ni Rhian dahil as much as possible, ayaw daw niyang pinag-uusapan ang kanyang personal life sa publiko, lalo na nga’t ilang taon din naman silang naging magkarelasyon ng Kapuso actress at totoo naman daw niyang minahal ito.
Pero dahil diretsahan na ngang tinanong ni Tito Boy Abunda si SV kung may kinalaman ba ang napag-uusapan na sanang kasal nila noon, maging ang nangyaring eleksiyon kung saan hindi nga siya pinalad na manalong alkalde ng Manila, diretsahan ding sinagot ni Sam na walang kaugnayan ang dalawang bagay sa kanilang breakup.
Pinuri ni Sam si Rhian at in-appreciate ang lahat ng ginawa nito para sa kanya lalo na sa laban niya sa pulitika, pero aniya, hindi pala sapat ang pag-ibig lang.
Ang na-realize raw niya sa apat na taong relasyon nila ni Rhian ay, “Not all relationships are perfect. Love is not enough. There’s trust, loyalty, respect, peace of mind and that’s what matters.”
Dagdag pa nito, “Every man wants respect.”
At kaya nga raw siguro sila naghiwalay ay dahil nawala ang tiwala at respeto sa kanilang relasyon.
Pero kahit nagkahiwalay sila, aminado naman si Sam na “I’ve become a better person because of her.”
Sa ngayon ay hindi pa raw sila friends ni Rhian at kailangan pa nilang mag-heal mula sa breakup. Time will tell na lang daw kung magiging friends sila.
Samantala, nilinaw din ni SV ang pagkaka-link niya kina Kyline Alcantara at Faith Da Silva.
Tahasang sinabi ni Sam na hindi niya dyowa ang dalawa at friends lang niya ang mga ito. Single raw siya ngayon.
Sablay dahil duling, nilailt ng netizens…
STATUE NI POPS SA STARTISTA GALLERY, TINANGGAL
IMBES paghanga, umani ng maraming batikos at panlalait ang statue ni Concert Queen Pops Fernandez sa kabubukas pa lang na Startista Gallery ng Star City.
Isa si Pops sa mga ginawan ng statue (correction, hindi raw talaga wax figure tulad sa Madame Tussauds sa Hong Kong) kabilang ang ilang local celebrities na nagbigay ng permiso para mapasama sa naturang gallery.
Ito ang magsisilbing bagong attraction ng theme park para dayuhin ng mga turista.
Ang iba pang nakasama sa first batch ng statues ay sina Manila Mayor Isko Moreno, Cong. Richard Gomez at wife Mayor Lucy Torres, Ruffa Gutierrez, Ara Mina, Gladys Reyes, Angel Aquino, Rhian Ramos, Hidilyn Diaz, Rica Peralejo, Maui Taylor, Paolo Contis at marami pang iba.
Ang siste, mukhang minadali ang mga statues at hindi pulido ang pagkakagawa. ‘Yung kay Mayor Isko ay mukhang okay-okay pa, pero ang worst ay ‘yung kay Pops Fernandez na umani ng panlalait dahil duling ang statue at malayo sa hitsura ng Concert Queen.
Kaya naman ang latest news ay tinanggal daw muna ang statue ni Pops at mukhang papalitan ng bago.
Dapat lang naman, ‘no? Nakaka-offend naman talaga ‘yung ganu’n. Sana, eh, sinigurado munang perfect ang pagkakagawa bago nila idinispley at ipinagmalaki sa madlang pipol.
HINDI lang pala ‘City of the Stars’ (sa provincial level) kilala ang Lipa City, Batangas dahil nga tagarito ang Star for All Seasons na si Gov. Vilma Santos-Recto, kundi tatatak na rin ngayon sa lungsod ang hilig ng mga Lipeño sa beauty pageant.
Ilang taon na kaming naiimbitahan ng aming good friend na si Joel Umali-Peña na manood ng Mr. & Miss Lipa Tourism taun-taon at in fairness, every year ay nakikita namin ang malaking improvement sa kanilang local beauty pageant, hindi lang in terms of quality ng production design at production number kundi maging sa pagpili ng mga candidates.
This year, 10 girls and 10 boys ang naglaban-laban para sa crown at sa totoo lang, tiyak na nahirapan ang mga judges sa pagpili dahil hindi lang magaganda, matatalino pa ang mga kalahok at puwede na ring mag-join sa national pageant.
‘Yung unang bet nga namin na look-alike ni Nadine Lustre na si Allysa Joyce Lescano, kahit naging 2nd runner-up lang ay mukhang puwede pa ring sumali sa national pageant with her beauty, confidence and brains.
Magaganda at magagaling din naman ‘yung ibang winners at in fairness, wala kaming na-feel na naging ‘luto’ sa desisyon ng mga judges dahil agree rin naman kami sa mga choices nila.
Morena at with dimples ang tinanghal na Miss Lipa Tourism 2026 na si Ma. Erica Valenzuela ng Bgy. Tambo at ang kanyang “grace, confidence at purpose” ang nagpanalo sa kanya.
Ang Ms. Lipa Tourism 1st Runner Up naman ay si Kate Danielle Morales, 2nd Runner Up si Alyssa Joyce Lescano, 3rd Runner Up si Felyciti Claire Marin at 4th Runner Up si Tania Endozo.
Mestizo at may hawig naman kay Lloyd Samartino ang tinanghal na Mr. Lipa Tourism 2026 na si Johan Miguel Piñon ng Bgy. Sampaguita. First Runner Up niya si Mohammad Reza Junior Gholami na guwapo rin at puwede ring maging artista. Second Runner Up si Marlo Anthony Parco, 3rd Runner Up si Glen Wendel Masupil na puwedeng-puwedeng isabak sa TV hosting sa galing magsalita at ipinakitang talino, habang 4th Runner Up si Vincent Emmanuel Sayas.
Well, congratulations to all the winners of Mister and Miss Lipa Tourism 2026! Grabe ang hiyawan ng mga Lipeño at suportang ipinakita sa kanila.
Abangan na lang natin kung makikita nga natin soon sa national pageants sina Erica at Johan dahil sila nga ang pambato this year ng Mr. & Ms. Lipa Tourism na mula sa project ni Konsehal Venice Manalo at sa pamamahala ng good friend naming si Joel Pena, ang Lipa Tourism Council president.









Comments