top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | September 3, 2020




Magkaiba ang payo ni Dra. Vicki Belo at ng asawang si Dr. Hayden Kho sa magsyotang Ruru Madrid at Bianca Umali. Nag-comment kasi si Ruru ng “Pinakamagandang dalaga sa 'king mata” sa photo ng GF na totoo namang maganda.


Nag-comment si Doc Hayden ng “@rurumadrid Naks!! Take the next step na bro!!” na ang ibig sabihin ay magpakasal na ang dalawa.


Pero, kumontra si Dra. Vicki na ang sabi, “No, no, enjoy the romance. You guys are so young.”


Siguro naman, mas pakikinggan at mas paniniwalaan nina Ruru at Bianca si Dra. Vicki dahil bukod sa mga bata pa sila para magpakasal, may career pa silang dapat i-prioritize.


Saka, kung may ipon man ang dalawa, nabawasan na tiyak ngayong panahon ng pandemic dahil natigil sila sa trabaho at bumalik man, via Zoom naman at may iba pang trabaho na totally, nag-stop.


Pati ang taping ni Bianca ng Legal Wives, hindi natuloy at baka next year na raw ito umere. Ganu’n din tiyak ang mangyayari sa pagbibidahan ni Ruru na Lolong, sa 2021 na malamang matuloy.


Ang importante, solid ang relasyon nila, so much in love sila sa isa’t isa, tanggap ang bawat isa ng kani-kanyang pamilya at hindi na problema ang pagkakaiba ng religion. Nagpadoktrina na raw kasi sa Iglesia ni Cristo si Bianca.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 30, 2020




Nag-post si Ruru Madrid sa kanyang IG account na @rurumadrid8 ng kanyang new photo at may caption na: "Escape the ordinary."


Pero nag-react ang isang netizen na si @girl_ykim at nag-post ng, "Hindi ganyan pormahan mo noon, anyare? HAHAHAHHAHAHA feel na feel amputs."


Agad naman itong pinatulan ni Ruru at nag-reply ng, "@girl_ykim ano ba pormahan ko noon? Paano ba dapat magdamit?"


Ipinagtanggol si Ruru ng netizen na si @claaireex, "@girl_ykim Te, check mo IG n'ya, ganyan talaga porma n'ya. Iwasang maiinggit next time."


Sabi naman ni @_owwwkayeee, "@rurumadrid8 it's okaaaay kuyaaaaa HHAAHAHA you changed your style not to please anyone but for yourself po. 'I'm diamond, you know I glow up' dapat sagot mo sa kanyaaa HAHAHA DYNAMITE lang malakas."


Sabad naman ni @roseann_demino, "@girl_ykim Lol. fyi, ganyan na talaga siya pumorma dati pa. Mala-Harry Styles kind of a style. Besides it’s none of your business, affected much sis."


May mga nag-react din dahil tipong ginagaya raw ni Ruru ang japorms ng sikat na vocalist ng South Korean boy group na BTS na si Kim Tae-hyung.


Sabi ni @shane_eeeyyy, "The Taehyung of Philippines, color na lang ng buhok ang kulang Kuya Ruru."


Kinontra ito ni @_dian297, "@shane_eeeyyy Sana po stop na tayo sa pagtawag sa kanya ng Taehyung ph kasi lalo siyang naba-bash. Support na lang tayo co-amiii."


Comment pa ng isang netizen, "Pineg kasi ni Ruru halos lahat ng style pati look ni Kim Taehyung ng BTS after nu'ng ma-news siya na ipinost ang photo niya at na-comment-an ni Taehyung. Wala namang masama na i-peg pero biglang palit look si Ruru after that, ginaya na lahat, mas pinahaba pa buhok at photos at posing niya, ginaya rin. May pagka-f na f naman talaga si Ruru na aura. Haha!"


Dagdag pang comment, "Paspas agad siya after mag-trending photo niya na may comment 'yung taga-BTS. Super fan daw siya, eh, isang fan ng BTS ata nag-repost ng photo ni Ruru. Pinalitan agad style niya at ginaya ang style ni V plus look at posing. 'Kaloka. 'Plus jeje aura na ggss na signature ni Ruru. Ewwness."


Opinyon naman ng isa pang netizen, "'Pag K-Pop artist ang naka-outfit and pose na ganyan, ok lang. Pero 'pag kapwa Pinoy, bina-bash."


Well, sa ngayon talaga, kahit anong gawin ng isang artista, maganda man o hindi, kung iba-bash, iba-bash at walang nakaliligtas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page