top of page
SPECIAL - SAM, UMAMING NAWALA ANG TIWALA AT RESPETO SA KANILA NI RHIAN KAYA NAGHIWALAY-FB

Textmate raw ng GF ng aktor… ELLEN, DAWIT SA HIWALAYANG JOHN LLOYD AT ISABEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 23, 2026



TEKA NGA - ELLEN, DAWIT SA HIWALAYANG JOHN LLOYD AT ISABEL-IG _maria.elena.adarna & _isabelreyessantos

Photo: IG _maria.elena.adarna & _isabelreyessantos



May lumulutang ding balita ngayon na may problema ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos at may mga haka-haka pa ngang break na sila.


May nagsasabing maaaring nakaapekto ang muling pagtatambal nina Ellen Adarna at Lloydie sa isang proyekto sa kanilang relasyon. 


Gayunman, matagal nang kilala na magkaibigan sina Ellen at Isabel, textmates pa nga sila, at maging sa social media ay makikitang maayos ang kanilang samahan, kabilang ang mga bakasyon nila sa Boracay kung saan magkakasama nga sila.


Kaya marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng umano’y pagkakalabuan nina John Lloyd at Isabel, kung totoo man ito. May third party nga bang involved?


May kinalaman nga kaya ang muling pagsasama sa proyekto nina John Lloyd at Ellen, kasama sina Rufa Mae Quinto at Bayani Agbayani? 


Aprub naman ang ilang fans kung sakaling magkakaroon ng balikan sina John Lloyd at Ellen para sa kanilang anak na si Elias Modesto.





BASE sa kanyang mga naipundar na properties, investments at negosyo, marami ang naniniwalang bilyonarya na ngayon si Bea Alonzo.


Patuloy pang lumalaki ang kanyang income mula sa mga endorsements at business ventures, kaya okay lang naman daw kahit naudlot ang kasal nila ng bilyonaryong businessman na si Vincent Co. 


Namamayagpag ang kanyang negosyo, kaya mas pinipili niyang huwag magpa-pressure sa mga tao sa kanyang paligid sa usapin ng kasal.


Marami namang bagay ang puwedeng magpasaya sa kanya, at ang mahalaga ay secured na ang kanyang future.

May mga balitang umiikot na inalok daw ni Vincent Co si Bea Alonzo ng civil wedding, ngunit tinanggihan umano ito ng aktres dahil wala na siyang planong magpakasal. 

Gayunman, wala pang kumpirmasyon at maaaring fake news ito.





Girl ang unang anak sa ibang lalaki…  ARA, BABY BOY ANG GUSTONG MAGING ANAK NILA NI DAVE



HINDI nagpapadala sa pressure ng publiko tungkol sa pagkakaroon ng anak si Ara Mina sa kabila ng kanyang edad na 47.


Pareho silang abala ng kanyang mister na si Dave Almarinez sa kanilang karera, kaya hindi pa ito ang kanilang prayoridad. 


May unang anak na babae si Ara courtesy of Patrick Meneses, si Mandy, habang may anak na rin si Dave sa dating karelasyon.


Ayon sa mga doktor, maaari pa ring magbuntis si Ara Mina kung nanaisin niya, at puwede siyang sumailalim sa in vitro fertilization (IVF) o surrogacy. Gayunpaman, nananatili siyang abala sa mga proyekto, kabilang ang My Husband is a Mafia Boss (MHIAMB) sa Viva One at Love is Never Gone (LING) kasama sina Joshua Garcia at Ivana Alawi. 


Sa ngayon, nag-e-enjoy si Ara Mina kasama ang kanyang mister sa pag-aalaga ng kanilang mga aso, at bukas sa posibilidad na kung ipagkakaloob, gusto ng aktres ng baby boy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page