top of page
SPECIAL - SAM, UMAMING NAWALA ANG TIWALA AT RESPETO SA KANILA NI RHIAN KAYA NAGHIWALAY-FB

Mga ateng, agree? RUFA MAE: MAGING FAITHFUL MUNA SA SARILI BAGO UMASA SA TAPAT NA LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | June 23, 2026



TALKIES - RUFA MAE MAGING FAITHFUL MUNA SA SARILI BAGO UMASA SA TAPAT NA LALAKI-FB Rufa Mae Quinto Magallanes

Photo: FB Rufa Mae Quinto Magallanes



Simpleng komedyana ngunit matalino sa kanyang mga pananaw ang aktres na si Rufa Mae Quinto.


Ibinahagi ni Rufa Mae ang kanyang saloobin tungkol sa kahalagahan ng katapatan sa isang relasyon. 


Ayon sa kanya, bago tayo umasa ng katapatan mula sa iba, dapat muna nating matutunang maging tapat sa ating sarili at sa mga taong mahal natin. 


Binigyang-diin niya na ang mga katangiang hinahanap natin sa isang kapareha ay dapat din nating isabuhay.


Aniya, “Bilang babae, dapat, ikaw muna ang maging faithful sa sarili mo. Kung ano ang hinihingi mo sa magiging partner mo, sana ay kaya mo ring ibigay. 


“Tingnan mo muna ang sarili mo kung maganda ba ang ginagawa mo sa iyong karelasyon. Ikaw ba ay maayos din? Kaya magsimula tayo sa ating sarili.”


Pak! Tumpak ka d’yan, Rufa Mae! 


Kaya ang masasabi lang ni yours truly, go, go, go! 

Ganern!





NAGBAHAGI ang aktres-content creator na si Alex Gonzaga ng isang taos-pusong mensahe para sa kanyang asawa, si Lipa City Vice-Mayor Mikee Morada, bilang pagdiriwang ng Father’s Day noong Linggo.


Sa kanyang post, sinabi ni Alex, “Finally, I can greet you today. Happy Father’s Day, my Papamel (Mikee). The way my husband loves me already proves our baby has the best dad.”


Congratulations, Vice-Mayor Mikee Morada, at Happy Father’s Day!





NAGWAGI ang The Silent Noise (TSN) ng ABS-CBN Studios at Prime Video sa Global OTT Awards 2026 na ginanap sa South Korea nitong Sabado, June 20.


Iniuwi ng programa ang Best Asian Content award, na nanguna sa mga entries mula Thailand, Japan, China, at Taiwan. 


Lubos ang pasasalamat ng direktor nitong si Onat Diaz na tumanggap ng naturang parangal.


Aniya, “Winning this award will be very meaningful and encouraging for our team in the Philippines because it reaffirms our belief of fearlessly telling our stories with much passion, and creating genuine interactions with our audiences that will cut across borders in different territories.”


Ito ang kauna-unahang panalo ng Pilipinas sa Global OTT Awards at sa Best Asian Content category.


Samantala, isa rin sa mga nominado ang lead star nitong si Angelica Panganiban para sa Best Lead Actor (Female) category, kasama ang iba pang premyadong aktres mula sa South Korea, Japan, at China.


Kinilala ng Global OTT Awards ang mga platforms, creators, at programa na nangunguna sa streaming media sa larangan ng drama, variety, at music sa pamamagitan ng 14 competitive categories at limang invitational categories.


Tampok din sa collab serye ng ABS-CBN Studios at Prime Video sina Zanjoe Marudo, Mylene Dizon, Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia, at bagong child star na si KD Omalin.

‘Yun lang, and I thank you!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page