Dizon itinanggi ang ulat na babalik bilang DOTr chief

by BRT @News | October 8, 2026

Photo: Vince Dizon / DOTr
Itinanggi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang mga ulat na muli siyang mamumuno sa Department of Transportation (DOTr) sa gitna ng napapabalitang pagbabago sa Gabinete.
Ayon kay Dizon, walang katotohanan ang naturang ulat at patuloy lamang niyang tututukan ang kanyang trabaho sa DPWH.
Samantala, sinabi rin ni Palace press officer Claire Castro na wala siyang impormasyon tungkol sa sinasabing pagbabalik ni Dizon sa DOTr.
Si Dizon ay dating DOTr secretary bago italaga bilang pinuno ng DPWH kasunod ng pagbibitiw ni Manuel Bonoan.





Comments