top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En
Search

by BRT @News | October 8, 2026



Dizon itinanggi ang ulat na babalik bilang DOTr chief

Photo: Vince Dizon / DOTr



Itinanggi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang mga ulat na muli siyang mamumuno sa Department of Transportation (DOTr) sa gitna ng napapabalitang pagbabago sa Gabinete.


Ayon kay Dizon, walang katotohanan ang naturang ulat at patuloy lamang niyang tututukan ang kanyang trabaho sa DPWH.


Samantala, sinabi rin ni Palace press officer Claire Castro na wala siyang impormasyon tungkol sa sinasabing pagbabalik ni Dizon sa DOTr.


Si Dizon ay dating DOTr secretary bago italaga bilang pinuno ng DPWH kasunod ng pagbibitiw ni Manuel Bonoan.

 
 

by BRT @News | October 6, 2026



Flood control project - DPWH

Photo: Davao flood control project / DPWH



Nilinaw ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na hindi lang Davao City ang iniimbestigahan kaugnay ng mga flood control projects na posibleng may iregularidad.


Ayon kay Dizon, susundan nila ang ebidensya saanman ito humantong, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Sinabi rin niyang may mga imbestigasyon sa iba’t ibang lugar tulad ng Taguig, Iloilo, Cebu at Bulacan.


Ayon kay Dizon, kahit saan may magsumite ng reklamo, bubuksan nila ito para sa imbestigasyon.


Samantala, pinuna rin niya ang dating flood control works sa Talomo River sa Davao City matapos matinding bahain ang lugar noong Hulyo 24.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | October 1, 2026



Sec. Vince Dizon - DPWH

Photo: DPWH



Mananatili muna sa kanilang mga puwesto sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at Transportation Sec. Giovanni “Banoy” Lopez matapos palawigin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang appointment.


Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, hindi pa agad isusumite sa Commission on Appointments (CA) ang appointment ng dalawang kalihim.


Sinabi ni Recto na ipapadala rin sa CA ang kanilang appointments “at the appropriate time.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page