top of page
Search

by Info @News | November 13, 2025



Vince Dizon

Photo: DPWH / FB



Nasa 40 sangkot sa maanomalyang flood control projects ang maaari umanong makulong ngayong Nobyembre, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon.


“Hindi na maghihintay ng Disyembre. Ngayon lang November ay may makukulong na,” ayon kay Dizon.


Idinagdag din niya na, “Kung pagsasamahin natin ‘yung dalawang kasong ‘yun, 26 ‘yung sa Bulacan kasama na ‘yung mga Discaya doon at saka si [Henry] Alcantara etc. tapos 15 doon sa Mindoro kasama kay former congressman Zaldy Co at kumpanya niya, ay halos 40 tao ‘yan na makukulong doon sa dalawang kaso pa lang na ‘yun.”


Kasunod umano ito ng sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maaaring i-file na ang mga criminal charges na may kaugnayan sa flood control scam ngayong linggo o sa susunod na linggo.


“So yun po ang nagbibigay sa atin ng pag-asa linggo na lang ang bibilangin natin o baka araw na lang ay may makakasuhan na. At dahil nga non-bailable itong mga kasong ito ay may makukulong na,” saad pa ni Dizon.

 
 

by Info @News | October 11, 2025



Davao 7.3 earthquake - Rhoderrick Hernandez

File Photo: Win Gatchalian



Iginiit ni Senator Win Gatchalian na mas mabuti kung bubuwagin na lang at magtayo ng bagong Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa tindi ng korupsiyon sa kagawaran.


Aniya, talagang mahihirapan at matatagalan si DPWH Secretary Vince Dizon na linisin ang ahensya.


“Ang aking philsopshy sa management, darating kasi sa punto na kung hindi mo maayos iyan gumawa ka na lang ng bago. I think it will take years and years for Secretary Vince to clean up,” ani Gatchalian.

 
 

ni Mai Ancheta @News | May 20, 2025



File Photo: Department of Public Works and Highways


May pakinabang sa basura partikular ang plastic bottles dahil hindi na lamang ito ibebenta para magkapera kundi maging sangkap sa paggawa ng mga kalsada.


Inaprubahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggamit ng mga basurang plastic bottle bilang dagdag-sangkap upang mas matatag at matibay ang buhay ng mga aspaltong inilalagay sa mga pangunahing lansangan.


Ayon sa DPWH, ang sangkap ng plastic waste ay bahagi na ng kanilang standard specification para sa mga ginagawang kalsada, tulay at maging sa mga ginagawa sa paliparan.


Ang plastic bottles ay ikinukonsiderang polyethylene terephthalate na maaaring sangkap sa paggawa ng mga kalsada.


Sinabi ng ahensya na bahagi ito ng inobasyon sa konstruksyon kung saan ang mga ganitong basura ay malaking bagay para sa paggawa ng mas maraming kalsada sa mga darating na araw.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page